"'ma, pwede ba tayong mag-chat today?" standard text message ko yan sa nanay ko pag available ako for chat. si nanay mag-rereply agad naman kung oo o hindi. dahil holiday ngaun at sa bahay lng naman ako, maaga akong nag-text sa kanya. after 5 mins, wala pa rin siyang reply. naisip ko baka hindi pa niya nabasa kaya tinawagan ko na siya.
nabasa daw niya ang text ko. nagmamadali daw siyang nagpunta sa bahay ng kuya ko kaya hindi na siya naka-reply. dun kasi nagcha-chat ang nanay ko dahil nasira na ang laptop namin sa bahay. nag-alala daw siya kasi Thursday pa lang ngaun, baka daw kasi hindi na ako pinapasok sa ofis. sabi ko sa nanay ko, holiday today at wag siyang mag-alala sa akin kasi naka-ready naman ako kung mangyari man yun-physically, emotionally, financially and spiritually. :-)
kinuwento ni madir ang ipinapagawang bahay namin. kumpleto na daw ang materyales para sa kuryente, plumbing at sa cr. binili daw nila ito sa kalapit na siyudad. nakapag-apply na din daw siya sa 'nawasa' para sa tubig. currently kasi 'jetmatic' at poso ang aming gamit, mas makakatipid daw pag nag-nawasa kami. di daw siya makapaniwala na ginagawa na ang bahay namin ngayon tapos naipasyal ko pa siya sa hongkong at macau last vacation ko. pangarap lang daw niya ang mga ito dati.
naalala daw niya ang tatay ko. "libre ang mangarap", bukambibig daw niya ito. nag-anecdote pa si nanay ko sa akin. nagtitinda ng gulay sa palengke ang nanay ko noon. sabi daw niya kay tatay, ano kaya kung bumili sila ng traysikel. uutang daw siya ng PHP15,ooo sa mga pautangan. 150 per day lng daw ang bayad. ang sagot daw ni tatay, "bakit traysikel kung pwede naman ang jeep"...nagalit daw si nanay ko, di ba daw siya narinig at mangugutang nga lang...tawa daw si tatay "libre naman ang mangarap. walang masama dito.".
after ilang taon...guess what kung anong nabili ng aking nanay at tatay? isang sarao jeep! :-) ..naging buyer sila ng mga gulay ng mga magsasaka sa amin tapos binabagsak nila ito sa divisoria.
kung buhay lang si tatay ngayon, i'm sure magiging proud siya sa akin. di kasi ako nauubusan ng mga pangarap. at kagaya niya ginagawa ko din ang lahat para maabot ang mga ito. :-)
touch naman ako sa nanay mo....i envy you...wala na kasi mama ko last year lang na promote na sya sa heaven...
ReplyDeleteadded u on my blogroll, san ka ba dito sa dubai?
@ iya,
ReplyDeletesorry to hear that. ang hirap talaga mawalan ng mahal sa buhay. bsta isipin na lang natin na masaya sila sa piling ng ating Maykapal. :-)
na-add na din kita sa blogroll ko! *buti na lng marunong na akong mag-add ngaunn* :-) dito lng ako sa bandang deira.
tama libre ang mangarap.. sa bawat pangarap na ito, naghahangad gumagawa ng paraan at naghahangad ng magandang resulta.. Sa pagtupad ng ating ambisyon, basta may determinasyon.. makakaya ang lahat...
ReplyDeletedumaan po dito at pumalo... at nag add sa list ko.. magandang araw po.. :)
@ Istambay,
ReplyDeletethanks sa pagdaan dito sa blog ko. i-add kita blogroll ko.
kagagaling ko lng sa blog mo, tumambay doon. :-)
napasayaw ako sa music mo. Nakakainspire naman ang kwento mo. God will bless you sa pagpapasaya sa mga mahal mo sa buhay.
ReplyDeletehappy week end sa yo. long weekend.sarap.
@ Diamond R,
ReplyDeleteang ganda ng kanta noh? nakakagaan ng pakiramdam. thank you at may na-inspire sa kwento ko. ang saya ng feeling pag napapasaya natin ang ating mga mahal sa buhay. :-)
sarap nga ng long weekend!(kasi madaming pagkain?hehe..joke lng)..enjoy ur weekend! :-)
tuloy lang ang pag abot ng pangarap hanggat kaya, mahirap na abutin yan kapag uugod ugod ka na, kaya ung lablayf, abutin mo na rin :D
ReplyDeletenakakapanibago ang comment box mo, hindi ako nagsosolo dito at hindi ako ang unang nag comment :D
@ LordCM,
ReplyDeletei agree never give up sa pag-abot ng mga pangarap! LordCM!!!!!!!!!wala namang ganyanan!!hahaha....basta pag dumating yun, mag-ready ka na dahil invited ka! :-)
natutuwa nga ako at medyo may naliligaw sa aking blog ..hehe...7 blogs na din ang nasa blogroll ko...oo nga eh, kaya sobrang grateful ako sa'yo dahil talagang pinagtitiyagaan mong mag-comment pa rin dito. salamat ulit LordCM! (pramis, babawi ako if ever magkita tayo in person...di ko nakakalimutan, libre kita kasama buong barangay!hahaha)