Katapusan na bukas. Kung dati inaabangan ko ito dahil ibig sabihin sweldo na, ngayon tila ba ayoko itong dumating. Kinatatakutan ko na ito. Ito na ba ang magiging katapusan ng aking career dito sa Dubai?
Sinusubukan kong maging matatag at malakas sa pagharap sa problemang ito. Sa katunayan, satisfied at masaya naman ako kung paano ko ito i-handle. never ko itong tinakasan, hinaharap ko ito. nakikipagbuno ako dito.
kaya eto ako ngayon. pagod na pagod. give up na ako. ayoko na. di ko na ito kaya. ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya, hanggang dito na lng ako. eh ano ngayon....kung di matatapos ang ipinapagawa naming bahay? kung magugutom ang mga umaasa sa akin? kung di matupad ang mga magagandang plano ko para sa aming pamilya? I DON'T CARE.
babalik na ako sa pinas. tatalikuran ko na ang lahat ng mga pangarap ko dito. di ko na kayang ipaglaban pa ang mga ito. suko na ako.
ito na ang katapusan ko.
p.s.
drama ko lng ang nasa itaas. malayong-malayo
sa totoong buhay because the truth is I CARE
& I DON'T GIVE UP EASILY lalu pa pagdating sa pamilya :-)
hahha! praning ka din no!! hanap ka ng work try mo sa dubizzle daming nagpopost dun ng work o kaya sa nadia, dun ako nakahanap ng work dati. God bless
ReplyDelete@ iya,
ReplyDeletehahaha..di naman masyado.. gusto ko lng mag-drama. hehe...salamat sa iyong advice, yan talaga ang pinagkakaabalahan ko ngaun...sana nga at may malinaw na akong mapupuntahan soon.
thankful pa rin ako, at umabot pa ako ng katapusan...pero i'm so stressed sa kakaisip!!!!kinumusta nga ako ng isang kaibigan kanina, ang sagot ko "stressed but not depressed" :-)
sabi ko "buti nga sa kanila pwede maghanap at lumipat ng company after mo magresign or materminate sa work mo, tapos susuko lang sya?"
ReplyDeletetapos nabasa ko ung huli, "yun naman pala eh!" lolzz
ikaw na ang madrama! :D
pauwi ka na at tapos na ang contract? aba mag pahinga muna.. hanap ulit ng iba... :)
ReplyDelete@ LordCM,
ReplyDeletegusto ko lng gawing drama ang sitwasyon ko. hehe...honestly (as of this writing), wala akong takot na nararamdaman kung mangyari ito...napaghandaan ko na ito...maswerte na ako kasi hanggang ngaun pumapasok pa rin ako, eh mahigit isang buwan na mula ng sinabihan ako ng boss ko (samantalang yung ibang ofismeyts ko, di na pinapasok after silang sabihan).
tsaka whatever happens, hindi ako pababayaan ni God...kaya i will never ever give up! :-)
@ Istambay,
ReplyDeletecurrently naghahanap talaga ako ng ibang malilipatan dito sa dubai, mawawalan na kasi ako ng work dahil inabsorb na ng group ang company namin..(inaantay ko n lng kung kelan ang last day ko)...fyi, unlimited usually ang mga contract dito na pweding i-terminate ng both parties.
di ko pa ma-imagine ang sarili ko na magpahinga muna....enewei, may annual vacation naman. medyo hold nga lng ang sa akin ngaung taon kasi di ko pa alam what will happen next.
kala ko naman totoo na :(
ReplyDeletegood to know peyk-syon lng...
san k sa dubai?
x-link?
@ azel,
ReplyDeletehehe..nag-drama lng ako, wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa hamon ng buhay. :-)
dito lng ako sa deira. taga-dubai ka din pala.
galing ako ngayon sa blog mo. cge, i-add kita blogroll ko.
salamat at napadaan ka dito. :-)
Uhmn, akala ko totoo. Anong problema mo, animus? Get closer with Him.
ReplyDelete@ RJ/chookminder,
ReplyDeletewag kng mag-alala, i'm so close with Him...ramdam kong hindi Niya ako pababayaan kahit anuman ang mangyari. :-)
gusto ko lng magdrama nung araw na iyon...di ko magawa sa totoong buhay kaya idinaan ko na lng dito.
thanks sa pagbisita! :-)