Thursday, March 3, 2011

Malapit Na Birthday Ko :-)

Excited na ako! Malapit na kasi ang birthday ko. 30 years old na ako sa March 31! Ang aking pinaka-aantay na edad. Feeling debutante..hehe...

Wala akong balak mag-celebrate ng bonggang-bongga. Sapat na sa akin ang mga bating matatanggap ko. Magiging masaya na ako dun. :-)

Sabi nila, ito ang edad na made-depress ka pag ikaw ay single pa rin at wala man lng lovelife. I strongly disagree with this! hehe...Pasencia na, opinyon ko lang naman ito. :-)

Btw, bakit nga ba ako excited???
1) kasi 30 na ako! parang kelan lng ang inaabangan ko yung 18th bday ko.
2) ang dami kong pansariling plano pagtuntong ko ng edad na ito (i.e. travel the world, additional or change in career/vocation etc)

*Dati*, pinakaaabangan ko ito dahil feeling ko maipa-plano ko ng mabuti ang buhay ko. Sabi ko pag wala pa akong lovelife sa edad na ito, it means i'm not for married life. Kakalimutan ko na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya. Ipapaalam ko ito sa aking nanay para huwag na siyang umasa at hindi na rin siya mapagod sa kakakulit sa akin. Mabibigyan ko pa rin naman siya ng apo dahil balak kong mag-ampon pag handa na akong maging isang nanay. Sisikapin kong maging mabuting ina kagaya niya.

*Ngayon* wala akong lovelife pero ramdam ko na for married life ako. nakikita ko pa rin ang sarili ko na kasama ang aking future family. take note, meron kaming 2 anak- 1 girl at 1 boy hahaha! matutuwa ang aking nanay pag nabasa ito. :-)

My First-Ever Birthday Wishlist
1) meron akong inaantay, sana dumating na ito this year (note: i'm not referring to lovelife)
2) sana wag muna akong mag-last day sa ofis ng wala pang malilipatan
3) sana makilala ko na ang itinadhana para sa akin, not necessarily this year. i can wait & i will wait.
4) lubus-lubusin ko na... sana yung itinadhana sa akin yung gusto ko. sana yung gusto ko, magustuhan din ako. :-)

6 comments:

  1. pag-asa.. hindi dapat mawala sa atin hehehe.. lalo na sa pagibig :)

    happy birthday naman sayo ateng.. aba, mabuti at may 31 pa ang ibang month sa kalendar hehehe.. 2 taon na lang.. wala ka na sa kalendaryo.. pero di bale, may weteng pa naman hehehe

    pacanton ka naman ate.. birthday eh. :)

    ReplyDelete
  2. @ Istambay,
    i agree! habang may buhay, may pag-asa! :-)

    thanks sa maagang pagbati...hahaha..oo naman nasa kalendaryo pa ako! tsaka pagkatapos ng jueteng, meron png lotto tsaka bingo! hahaha...

    wala talaga akong balak magluto ngaung bday ko. last yr kasi nagpramis ako sa mga frens ko dito, na yun na ang huling pang-aabala ko sa kanila. pero cge if in case magbago isip ko, padalhan kita dyan ng pancit canton! tnx ulit. :-)

    ReplyDelete
  3. "*Ngayon* wala akong lovelife pero ramdam ko na for married life ako. nakikita ko pa rin ang sarili ko na kasama ang aking future family."

    the best thing that you have that i like, you know what you want in your life :) keep holding on!!!

    advance happy birthday!

    ReplyDelete
  4. @ azel,
    thank you sa iyong pagbati at komento. napangiti mo ako. :-)

    ReplyDelete
  5. @ iya,
    pagbigyan mo na ako, malapit na naman birthday ko. :-)

    ReplyDelete