After ng ilang taong paghihintay ng aking kapatid, finally heto na at makakasakay na rin siya ng barko! Thank you Lord! :-)
"Ginagawa pa lang yata yung sasakyang barko mo", ito ang madalas na biro sa kanya noon dahil nga sa sobrang tagal bago siya makasakay ng barko.
Meron ng sariling pamilya ang aking bunsong kapatid. Dalawang taong gulang na ang kanyang anak. Ang aking cute na cute at madaldal na pamangkin. hahaha. Kabaligtaran ng kanyang tatay. Sobrang tahimik kasi ang aking kapatid. Nagtataka nga ang mga kamag-anak namin. Paano daw niya niligawan ang kanyang misis? Nakilala niya ang kanyang asawa sa Taiwan. Nag-abroad din kasi ang aking kapatid taong 2005-2008.
Mabait ang aking kapatid kaya naman di nakapagtatakang mabait din ang napangasawa niya. Puring-puri ito ng aking nanay. Ikaw ba naman na ipaglaba mo ang biyenan mo? hehe. Bumilib talaga ang nanay ko sa kanya. Actually, pati ako bumilib din. Sabi ko sa nanay ko, ako nga hindi ko siya ipinaglalaba noon.
Dahil sa walang permanenteng trabaho ang aking kapatid after niyang mag-abroad, nag-decide na bumalik sa Taiwan ang kanyang asawa (isang licensed pharmacist ito sa pinas). Bale siya ang breadwinner ng kanilang pamilya samantalang ang aking kapatid ang naging tagapag-alaga ng kanilang anak.
Kahit mabait ang asawa at in-laws ng aking kapatid, sympre di pa rin maiiwasan na nahihiya ang aking kapatid sa sitwasyon nila. Gusto niya sympre na meron din siyang naico-contribute sa pamilya nila. Naging farmer siya muna sa amin. Nagtanim siya ng mga gulay. Nag-manggahan din siya. Tumutulong din siya sa fishpond ng aking nanay.
Kahapon, nag-text ako sa aking nanay para sa aming usual friday chat date. Walang reply kaya tumawag na ako. Gamit pala ng aking kapatid ang cellphone ng aking ina. eto ang aming naging pag-uusap. translated in tagalog.
ako: hello 'ma
bunso: 'te, ako 'to. dala ko ang cellphone ni 'ma. andito ako ngaun sa manila. sa agency namin. aalis na daw kami sa Sunday
ako: huh? sasakay ka na ng barko sa Sunday?
bunso: oo 'te. inaantay namin ngaun ang air ticket papuntang Singapore. doon kami sasakay.
ako: buti naman pala at nagawa na ang barko ninyo. hehe
bunso: oo nga 'te
ako: paano ko pala mako-kontak si nanay? chat sana kami.
bunso: cge text ko na lng si ate LP (asawa nung kuya namin) para sabihin kay 'ma.
ako: cge...ingat ka dyan. tsaka ingat ka din sa barko.
bunso: cge ' te..ingat din.
Bukas at 6am tutulak ng Singapore ang aking bunsong kapatid. Doon siya sasakay ng barko. Ito ang unang pagsakay niya sa barko.
To My Little Brother,
I may not always say this to you, but I do love you so much.
I thank you for being a good brother to us and a good son to our mother all these times.
You, kobe & your wife have always been a blessing and a joy to our family.
I love your family with all my heart.
I wish you success in this new journey.
Have a safe trip my little brother.
Sincerely yours,
Big Sister
ang sweet naman ng usapan niyo.
ReplyDeleteGood luck sa mabait mong kapatid.
@ Diamond R,
ReplyDeletehehe..yan na ang sweet moments naming magkapatid. :-)
thanks...sobrang bait talaga nun, kaya naku wag na wag siyang aawayin at ako ang makakalaban nila.