Monday, March 21, 2011

Pramis, Babalik Ako! :-)

Pasakalye:
Sobrang hectic ang schedule ko noong nagbakasyon ako sa Pinas. Halos araw-araw lumalabas ako ng bahay, umaga pa lang ready to go na ako. Properly scheduled naman lahat ng meet-ups, appointment at kagalaan, so walang problema. Minsan dumalaw ang isang kamag-anak namin (si tita AP) sa bahay. Eksakto breakfast time namin (7am) at naabutan pa kaming nasa hapag-kainan. Sa aming probinsiya, ok lang ang mag-kwentuhan pag kumakain. Di ito bawal. (wag ka lng kakanta habang kumakain, ayaw ni madir..hehe..). Nakipagkwentuhan sympre si tita AP(tiyahin ng tatay ko, bale lola ko na pero ang tawag namin tita dahil halos kaedad lng ng mga tita ko). Ang saya ng kwentuhan namin tungkol sa buhay-buhay. Parang walang katapusan ito. hehe...Kaya lang luluwas pa ako ng Maynila that day kaya kahit di pa tapos ang aming kwentuhan ako'y nagpaalam na sa kanila na tatayo na ako at maliligo pa.

Narinig ko pang nagtanong si Tita AP sa aking nanay kung saan ba ako pupunta. Sagot naman ni nanay, pupunta ako sa office ng mga dating kaopisina ko sa Maynila tapos kukunin ko ang gown dahil mag-aabay ako sa kasal ng kaibigan kong taga-dubai (kay Jo). Siguro mga 35 minutes ang lumipas, nagku-kwentuhan pa din sina nanay at tita ko sa labas ng bahay. Ako naman nasa loob ng aming bahay, nagsusuklay na lang at lalabas na. Nang biglang narinig ko boses ni tita AP tanong niya kay nanay "umalis na ba si tin nun?" Walang kagatol-gatol namang sagot ng aking ina "ayy hindi pa, marunong magpaalam ang mga anak ko." :-)

Sa mga salitang iyon, naramdaman ko ang pagiging proud mother ng aking ina sa amin. Tama naman ang obserbasyon ng aking ina, lahat kami talaga nagpapaalam sa mga taong importante at mahalaga sa amin kung saan kami pupunta. At bago umalis or dumating magpapakita muna kami sa kanila.


Direct Point:
Magpapaalam muna ako dito sa blogosphere. Aasikasuhin ko lang muna ang paghahanap ng work dito sa Dubai o kaya naman ang pag-uwi sa Pinas. Huwag kayong mag-alala dahil okay naman ako. Basta kahit anong mangyari, babalik ako dito.... "dahil sa isang taong mahal mo ng buong puso, lahat ay gagawin..makita kang muli" :-) soundtrack yan ng Panday ni jericho sa channel 2 noon. :-)

Salamat sa inyong lahat. Salamat sa pakikinig. Salamat sa pagkakaibigan. Hanggang sa muli nating pagkikita. Take care & God bless you all.

3 comments:

  1. dahil sa isang taong mahal mo ng buong puso, lahat ay gagawin..makita kang muli" :-)

    naku... naku... no comment...
    goodluck po :)
    just call me pag bored na, andito lng :)

    ReplyDelete
  2. God bless din! sana makanap kana ng work!

    ReplyDelete
  3. @ azel & iya,
    i'm officially back...hehe...thanks sa inyong mga comment...yipeee! magkakasama pa rin tayo sa dubai...i'm staying, start na ako sa new work tomorrow. :-)
    Thank you Lord!

    ReplyDelete