Thursday, March 17, 2011

Nakipag-EB ako! :-)

Weeeehhh...nakipag-EB ako! first tym ito kaya naman gusto ko itong i-blog dito. And guess who kung sino ang ni-meet ko today? Walang iba kundi si AZEL ng HUE and YOU. :-)

Medyo ilag ako sa mga katauhan dito sa blogosperyo dahil nga ako ay isang anonymous blogger. Mahirap na, baka malaman ng mga kakilala ko ang aking blog. Ayoko kasing mabasa nila ito. Wala lang, gusto ko lang na ganun. Kaya naman limited lang din ang aking aktibidades dito.

Pero dahil sa mga hindi maiwasan at importanteng pangyayari, meron na ding mangilan-ngilan dito sa blogosphere na nakakilala sa aking true identity. Unang-una sa listahan si LordCM kaya naman gustung-gusto kong ma-meet din in person ito if in case magkasabay kami ng bakasyon sa pinas. At most recently ay si azel nga. Ewan ko pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanila. ****calling LordCM & azel, anonymous pa rin ako ah..hehe****

Wala sa plano ko ang makipag-EB kahit kanino sa Dubai lalu pa ngayon na jobless ako. Medyo madrama ang mood ng aking buhay ngayon at ayoko namang maging kj ako sa mga ganitong lakaran. Pero di ako makatanggi kay azel sa kanyang imbitasyon. 'itong taong ito, di naman niya ako kakilala pero may concern sa aking kalagayan'. sympre touch naman ako.

Unang tanong ko nga sa kanya sa aming EB "bakit mo naisipang makipagkita sa akin?" Ang sagot niya "wala kasi akong magawa sa bahay!" hahaha....First impression ko sa taong ito....super kwela at matandang dalaga!??! kaya nasabi ko pa sa kanya magkakasundo kami! hahaha...After ng mahaba-habang chikahan namin mas nakilala ko pa ito. & yes, magkakasundo nga kami sobrang daldal ding kagaya ko! hahaha....

To Azel,

Thank you so much. Sobrang nag-enjoy ako. Sa uulitin ulit.
Basta next time, i will call you..do not call me! meron na akong
number mo ngayon. hehe. :-)

-tin

14 comments:

  1. eto lang ang EB Post na nabasa kong walang pix lolzz maglagay ka ng pix!!! hehehe

    buti pa sila naka meet na ng mga bloggers, ako hindi pa!

    ReplyDelete
  2. TNT sa matandang dalaga!!!

    salamat din sa mahabang kwentuhan.
    sa uulitin.
    ikaw naman ang magkwento!
    napaos ako ah.

    nice meeting you :)
    i had a great time.

    ReplyDelete
  3. @ LordCM,
    hahaha...ay, kelangan ba ng pic??? di na namin nakuhang magpa-picture sa sobrang kwentuhan!!!

    huh?!! naunahan pa pala kita...hehe..pero for sure, madaming gustong makipag-EB sa'yo..isa na ako dun! ingat dyan & see u soon! :-)

    ReplyDelete
  4. @ azel,
    hahaha...hindi halata! you look younger than your age!

    ang dami ko na din kayang naikwento. pero mas madami nga ang sa'yo...napaos ka tuloy..hehe...

    sa uulitin ulit. nice meeting you too. :-)

    ReplyDelete
  5. @ CM - hindi talaga ako mahilig sa ebidensya :D

    ReplyDelete
  6. mayap a pami ikit...keng tutuki ulit... ;)

    ReplyDelete
  7. wala kayong pictures na nakatalikod?

    ReplyDelete
  8. @ azel,
    hahaha...wapen, keng tutuki ulit.
    mayap a aldo keka! :-)

    @ duboy,
    hahaha..wala eh...sa susunod, sama ka! para meron kaming taga-picture..hehe...ayain sana kita kahapon kaya lang baka busy ka sa work.

    ReplyDelete
  9. parang gusto ko din ma-try makipag-EB

    ReplyDelete
  10. @ Akoni,
    masayang makipag-EB! i encourage you na i-try mo din ito.

    galing ako sa blog mo...naloka ako sa pinagmulan ng pangalan mong Akoni...akala ko meron kng lahing "mekeni". :-)

    thanks sa pagdalaw dito.

    ReplyDelete
  11. next tym sama na ako! biglaan naman kasi invitation ni azel di pa ako nakapag pabeauty sa salon!! hahahaha

    ReplyDelete
  12. @ iya,
    hahaha...next tym ah, sama ka na! di naman kasi kelangang magpa-parlor! :-)

    ReplyDelete
  13. @ Diamond R,
    tara..sama ka din next tym! :-)

    ReplyDelete