As much as possible gusto ko sana good news ang mga sinusulat ko dito para masaya. Kaya lang naisip ko paano kung hindi agad ako makakuha ng work or mag-decide na akong umuwi ng Pinas, ibig bang sabihin hindi na ako magba-blog? No way, i will still blog kahit anong mangyari! :-)
One week na ang lumipas simula ng mawalan ako ng work, nakakalungkot mang sabihin jobless pa din ako. Naging biruan na namin ito ni jo, ang aking matalik na kaibigan. Jobless din kasi siya ngayon, although okay lng sa kanya kasi she's on a husband's visa. Full-time housewife siya ngayon. Halos araw-araw kaming nagkikita kaya hindi ako naiinip. Magkalapit lang kasi ang tirahan namin. Alternate kami ng pagdalaw. Sa thursday morning, pupunta kami sa beach para mag-unwind dahil stress na stress na ako sa kakaisip dala ng pagkakatanggal sa work. Excited na kami. hehe...
As planned, dito muna ako sa Dubai & hopefully makahanap na ako ng work before pa ma-cancel ang visa ko. Although i'm prepared naman na mag-exit sa kish island ng isang beses para makabalik on a visit visa.
March 6, 2011 - last day of work
April 6, 2011 - official last day (may sweldo pa ako up to this date)
April 30, 2011 - estimated date of visa cancellation
May 30, 2011 - estimated date of exit from Dubai
I still have time to look for another job, pero recently pumasok sa isip ko na umuwi na ng Pinas. Noong Friday, binalot ako ng takot at pangamba sa nangyaring earthquake at tsunami sa Japan. Nakakatakot talaga, katapusan na ba ng mundo? Agad-agad akong tumawag sa aking nanay sa Pinas. Hinanap ko ang aking bunsong kapatid na kasulukuyang nakasakay ng barko. Sobrang nag-alala talaga ako. Hindi pa nila ito nakakausap. Last nitong text ay nasa Thailand daw sila. Kinontak ko ang kanyang asawa sa Taiwan na nag-aalala din kasi hindi pa niya ito nakakausap. Nagbilin na lang ako sa kanila na i-text nila ako pag nakausap na nila ang aking kapatid. Nakahinga ako ng maluwag noong Sunday morning nang ibalita ng aking sister-in-law na nakausap na niya ang aking kapatid at okay naman daw ito. papunta daw ang barko nila ngayon sa dubai. wala daw kasi silang signal kaya hindi sila maka-text. Tumawag din ang aking kapatid sa aming nanay na alam din niyang nag-aalala. Natanggap daw niya ang mga text messages namin. Thank you Lord for keeping my brother safe. Nasabi ko nga sa Kanya, okay lang po na wala akong trabaho ngayon basta po okay ang pamilya ko.
Nagsimba ako today para manalangin din na sana matapos na ang kaguluhan at trahedya sa mundo. Sana matauhan na ang mga nasa likod ng gulo sa Libya, Bahrain at KSA. Huwag na silang dumagdag sa mga trahedya dito sa mundo.
At sympre di ko nakakalimutan na 'kulitin' Siya na sana magka-work na ako. hehe. Kanina habang naglalakad ako pauwi ng bahay bigla kong naalala ang pelikulang "Facing The Giants". Meron kasing mag-asawa doon na humihiling na sana magka-anak na sila. Ginawa nila ang lahat pero wala pa din. Minsan, naitanong ni husband sa kanyang asawa paano kung di tayo magka-anak? will you still love Him? Di makasagot si wife kasi gustong-gusto niya talagang magka-baby. Pero may eksena doon kung saan rejected na naman ang request niya, umiiyak siya habang binabangit na "Lord, i will still love you." ***naiyak ako sa eksenang ito****
Ang dami kong hinihiling sa Diyos ngayon. Alam kong ibibigay niya ang mga ito in His time. Although kahit anong mangyari gusto kong sabihin "Lord, i will still love you!" :-)
nakaplano na ang lahat sabi nga nila, kung sadyang para sayo, para sayo...
ReplyDeleteparang nagbago ung blogroll mo ah, dumarami :D
@ LordCM, agree ako dyan. "Thy will be done!".
ReplyDeletedami na noh? hehe..natutuwa nga ako. :-)
@ azel, got your message. maraming salamat. :-)
@ azel,
ReplyDeletehahaha...thank u thank u talaga. :-)
yes in HIS perfect time...He will provide what you need not only what you want..
ReplyDelete@ iya,
ReplyDeletei agree! pero dahil 'makulit' ako, umaapela ako ngayon sa Kanya na sana magka-work na ako agad....hirap ng jobless. :-)
@ azel,
ReplyDeletehahahaha...grabeh naman ang reaksyon mo! don't worry i don't feel like i'm missing a lot in this life...naku, mukhang magkakasundo tayo...i want to meet you in person soon. (pag meron na akong work..hehe)
thank u talaga sa concern. :-)
alright.. you can publish this one...
ReplyDeleteahahahaha! soon... i will call you.. do not call me. you don't have my number! i have yours! bleh!!!
@ azel,
ReplyDeleteyan ah..ni-publish ko message mo...(ganito ako kabait..hehe)
hahaha...ang daya!!!!!enewei, thank u talaga...napasaya mo ako!!!! :-)
dumating ako sa punto ng pag iisip, eto ako't namomroblema ng sarili kong problema, halos madlas akong tulala kakaisip kung paano ba ang aking gagawin, ni hindi ko naisip na swerte pa din ako kumpara sa iba.
ReplyDeleteIsa lang naman ang ibid sabihin ng mga trahedyang nangyayari.. ito ay ang pagkalimot natin sa ating obligasyon bilang nilalang ng dakilang lumikha. Nagigising lang tayo sa mga panhong nagaganap ang gantong trahedya.. dun lang tayo nakakaalala.
sana po makahanap na kayo ng trabaho..
magandang araw po.
@ Istambay,
ReplyDeletedi ako maka-drama ng todo sa problema ko dahil naisip ko, napakaliit nito kumpara sa mga problema ng mundo.
nakakalungkot man pero tama ka...sana lang matuto na tayo ngayon.
maraming salamat Istambay! sana nga makahanap na ako. :-)