Matandang binata si Tito Rey. Kapitbahay lang namin. Lumaki kaming mag-pipinsan na kasama siya. Masaya at maingay pag nandyan siya. Sobrang madaldal at ang daming alam na trivia! (feeling ko sa kanya ko yata nakuha ang pagiging madaldal at mahilig sa trivia). Yun nga lang kung minsan ang kanyang mga balita ay exaggerated...like for example yung sisiw, manok na sa kanya..o kaya naman yung bulate, naging ahas na..hehe..kaya pag nagkakabiruan kami noon, kanya-kanya kaming adjust sa kanyang kwento...pero just the same mahal na mahal namin ang aming tito.
Naalala ko pa noong college days ko. Nagtayo ng 'puguan' si Tito Rey. Kada weekend/uwi ko from manila, meron akong supply ng itlog ng pugo. Uso pa naman noon ang 'kwek-kwek', kaya masayang-masaya kaming magkakabarkada dahil lagi kaming may food pag tumatambay kami. Kung minsan nagdadala pa ako sa boarding house namin nun. Ako lang ang may privilege na ganun over my other cousins, mabait na bata daw kasi ako eh. Ako naman si, 'abusado'..feel na feel ang prebilihiyong ibinigay sa akin...lahat halos yata ng mga kaibigan at ofismeyts ko ay niregaluhan ko ng itlog ng pugo! hehe...
Taong 2005, nag-decide akong mangibang-bansa. Ipinag-despedida pa ako sa amin. Sabi ko, wag na kasi visit visa lang naman ako. Di ko alam kung makakakuha ako ng work sa Dubai. Di natin alam after 2 months, andito na ako ulit. Sabi ni Tito Rey, "ikaw pa, napakatalino mong tao..1oo% makakakuha ka ng work dun."...(#1 fan ko si Tito Rey at kahit isa lang siya katumbas niya ay libo-libo, ganun siya ka-convincing...kung PR lng pag-uusapan, pwedeng-pwede ko siyang kuning manager)
Bago ako umalis, tinanong ko siya "bap, anong gusto mong pasalubong from me?"......ang sagot niya "green money, dollars".
Pinaka-unang padala ko sa kanya Dubai t-shirt at yes, dollars! Tuwang-tuwa siya sa pasalubong ko. Sa sobrang tuwa niya, nai-broadcast niya sa buong barangay ang ipinadala kong dollars sa kanya. Biruin mong yung pinsan ko na nasa Purok 3 (Purok 1 kami nakatira), nag-text sa akin..balita daw niya namimigay ako ng dollars! hahahah.....
During my last vacation sa Pinas (Sep 2010), nag-videoke kami sa bahay. Sinampolan namin ang ipinadala kong HDT Karaoke. Kumanta ako ng isang song. Narinig yata, pumasok siya sa bahay namin. Sabay comment na, "tin, boses mo ba yun? nakakaganda pala ng boses ang dubai"...weeehhh ako naman tuwang-tuwa kay Tito Rey at niyakap ko pa, para na rin niyang sinabi na maganda ang boses ko! hahaha....frustrated singer ako eh...
Si Tito Rey, madaming side comment sa ibang tao....para siyang judge sa isang talent show....pero pagdating sa akin, puro magaganda at papuri ang inyong maririnig...Noong mawalan ako ng work (Mar2011) tinanong ko ang nanay ko kung ano ang sabi ni Tito Rey..ang sabi daw niya "ganyan talaga, meron pa ring economic crisis sa Dubai" :-)
Kanina, nagkausap kami ng aking kuya na nasa ibayong dagat din. Nabanggit niya sa akin na nagpahinga na pala si Tito Rey kahapon. Sabi ko, hindi ko alam. Walang nagsabi sa akin. Dali-dali akong tumawag sa aking nanay. Ni-confirm niya nga na wala na si tito due to heart failure. Sinabihan daw niya sa amin na wag munang ipaalam sa akin baka di ako makatulog....balak daw niyang ipaalam na lang ito sa akin bukas, pagkatapos ng libing...Ayaw siguro akong mag-alala ng aking nanay, last saturday kasi napanaginipan ko si Tito Rey. Tinawagan ko agad ang aking nanay.
Nakakaiyak. Nakakalungkot. Lagi ko pa namang ipinapasabi sa aking nanay na sana antayin ako ni tito, bakasyon ko sa Pasko...(lately kasi naging mahina na si tito, halos di na raw siya makakain)...Hindi na ako naantay. :-(
To Bapa Rey,
You will always be here in my heart. I love you so much. I'm thinking masaya ka na sa kinalalagyan mo ngayon. Kasama mo na si Lord. Ikomusta mo ako kay tatay, kay tita nora, kay bapa men at kay tita sol. Miss ko na kayong lahat!
love,
tin
Dear Lord,
Kayo na po ang bahala kay Tito Rey. wag nyo po siyang pababayaan.
May he rest in peace.
love,
tin
No comments:
Post a Comment