Source: www.saintmarysdubai.com
Napakaganda ng homily ni Father Tomasito kahapon patungkol sa Sunday gospel. Binanggit niya dito na meron daw primary & secondary priorities in religion. Paano daw natin susundin ang kagustuhan ng ating Panginoon..
Secondary
1. words
2. correct opinion
Primary
1. honesty
2. actions
Nakakalungkot lang dahil may na-break na ako agad sa mga ito. After mass, nagkita-kita kami ng aking mga kaibigan (from previous company-si ate JR & SM). Nag-metro lang kami pauwi. Since napakadalang ko lang makita si ate JR, nag-aya akong dinner muna kami. Sa Subway Restaurant kami napadpad at dun na nga nangyari ang di magandang 'correct opinion' ko. medyo nagkaroon ng commotion dahil sa maling computation ng aming bill. thrice na bumalik sa amin si kabayan pa man din na service crew para ipaliwanag sa amin kung paano sila nag-arrive sa amount. at ako nakapagbitiw ako ng di magandang mga salita "kabayan, naiinis na ako sabay kuha sa phone/calculator para mag-compute". i know myself, pag nde ako nagsalita mag-eexplode ako..nararamdaman kong pulang-pula na ako. wala naman talagang nangyaring away..napakabait ng mga service crew na mostly mga kabayan...medyo malakas lang kasi talaga ang normal kong boses..it turned out nga na merong mali sa kanilang computation or sa pag-punch ng aming bill. ni-refund sa amin ang overpayment.
No comments:
Post a Comment