Tuesday, November 8, 2011

Week 8: My Friend Since Birth :-)

"Friends Since Birth", ito ang pakilala ng aking childhood friend na si jeng sa kanyang mga kaibigan dito sa Dubai sa akin. Ganun na nga katagal ang aming pagkakaibigan. Tawag namin sa aming grupo noon "Five Star Gang"! Hahaha...5 girls kami na puro magkakapit-bahay. Eto ang kumpletong listahan (1st group - no. 1 to 4 + me= 5 star gang):-)

Meantime, si jeng (aka ES) muna ang iku-kwento ko dito sa blog ko. Mas nauna ako sa UAE sa kanya. Going 2 years pa lang siya. Kinuha siya ng kanyang ate. Pero mas nauna siyang nag-abroad sa akin, sa Taiwan. Dun na rin niya nakilala ang kanyang husband. Kaya, di ko pa talaga naka-bonding or nakilatis man lang ito. Swerte niya! :-) hehe....

Paano ko ba uumpisahan ang kwento ko kay jeng? Sige, magsisimula ako sa umpisa :-)

Grade 1 - magkaklase kami ni jeng sa public school malapit sa aming baryo, isa akong salimpusa. Itinatago pag merong mga darating na bisita sa school. Magkalaro kami sympre at sabay pumapasok. After ng school year, sa di ko malamang dahilan...ako ipinasa para mag-grade 2 tapos si jeng naman ibinalik sa grade 1. Gayundin si SC (isa sa five star gang din), nagbalik-grade 1 din siya. Kaya ang nangyari, wala akong naging batchmate sa mga 5 star gang. Yung dalawa kasi ka-batch naman ng kapatid kong bunso.

Grade 2 - naninibago ako kasi di ko na kaklase si jeng. Naalala ko pa nag-aantayan kami pag uwian. Sabay pa rin naman kaming pumasok at umuwi. :-) Pag recess time, pinupuntahan ko din siya sa room niya para sabay kaming mag-recess kina aling mina..hehe...yung nagtitinda sa iskul namin. Bata pa lang kami ni jeng, pareho na kaming maisip pagdating sa pera. Biruin mo nagpaluwagan kami/ipunan na kaming dalawa lang!

Super mag-best friend kami talaga ni jeng nung bata kami! Medyo may pagka-maldita noon si jeng (nambabato lang naman siya ng mga kaaway niyang bata), pero never niya akong pinagmalditahan.

Napakadami naming pinagsamahan ni jeng. Although sympre, nagkaroon kami ng kani-kaniyang sets of friends sa school, sa work..nanatili pa rin ang aming pagkakaibigan. Sa tuwing magkikita nga kami, lagi naming naaalala ang aming kabataan. Kami lang ang tao sa baryo namin ang nagdya-jogging sa umaga na may dalang baong pandesal! Tapos makiki-kape kami sa aming mga kamag-anak sa bandang Purok 3! hahaha....Taga-Purok 1 kami.

Hindi ako magtataka kung isang araw 'MAYAMAN' na ang aking kaibigang si jeng. Business-minded kasi ito. Actually, ganyan din ako nung nasa pinas (nawala ito nung nag-abroad ako).

Siya ang nag-propose na magtayo kami ng isang barbeque-han sa harap ng bahay nila pag bakasyon namin sa iskul. Umaga pa lang nun nasa palengke na kaming dalawa. Inaabangan ang isaw ng manok, adidas etc....Binibili namin ito sa kanyang ate (siyanga pala, siya din ang kumuha kay jeng dito sa dubai) na nagtitinda naman ng manok sa palengke. Tapos uuwi ko namin ito sa amin para linisin at lutuin/adobohin para ready na ito pagdating ng hapon! Would you believe patok na patok ang aming munting negosyo? Basta kahit pagod kami nun, feeling mayaman naman kami! hehe....3 consecutive summers ganun ang ginagawa namin...at as in kaming dalawa lang ang mag-partner!...pero full support naman ang iba naming kaibigan....kahit nga di kumakain ng isaw ng manok ang iba, napipilitan silang tikman ito..hehe...Btw, meron din naman kaming inihaw na hotdog, lamang-loob ng manok tska palamig. :-)

---itutuloy





jeng & me @ Dubai Creekside :-)
Thursday 03 Nov 2011

2 comments:

  1. ikaw na ang hindi makakalimutin! lolzz naalala mo pa ung grade 1 ah, ako wala na atang maalala hahaha

    at nagpaluwagan, dalawa lang kayo lolzz, kayo na nga talaga!

    hindi ka na nakatalikod ngayon ah :)

    ReplyDelete
  2. @ LordCM,
    hahaha...makakalimutin ako pero paminsan-minsan may naaalala pa rin ako sa nakaraan. :-)

    oo nga, nagpaluwagan kami talaga na dalawa lang..ipunan lang ba...tig-50 cents kada araw...piso hanggang 2 pesos ang baon namin noon.

    wala kasi kaming nakatalikod na pictures..tsaka confident ako na nde ito makikita ng aking kaibigan. :-)

    ReplyDelete