Happy Valentine's Day! Malayo man tayo sa isa't isa,
malapit naman ang mga puso natin.
Hangad ko ang kaligayahan ng mga puso natin. Miss you all.
Wish you were here. :-)
-tin
Wala akong masasabi sa aking mga kaibigan. Sila na siguro ang pinakamabait na taong nakilala ko. Yun bang tipong kahit anong mangyari nandyan lang sila para sa akin.
We had the best of our times together lalu na kami nina jo & ivy dahil magkakasama kami sa isang bahay dati. Yun nga lang sympre kailangang mag-move on din kami. Nagkaroon ng sariling pamilya si ivy ganundin si jo. Lumipat sila ng tirahan. Ako na lang naiwan dito ngayon. :-(
Maraming beses na akong nag-drama tungkol dito. And i think enough na yun. Nag-mature na din ako sa wakas. Basta kung saan masaya ang aking mga kaibigan dun din ako. Ibang level na ang mga usapan namin ngayon. More on sa family life na. :-)
Madami nang nagbago pero yung friendship namin ng F4 ganun pa din. At dalangin ko na it will stay like this forever.
pre, miss you na! ingat ka lagi dyan sa pinas. stay beautiful as always. send my love & kisses to kyle.
ives! miss na din kita! salamat naman at nagkita na tayo yesterday! miss ko na kayo ni miguel talaga. grabeh, ang laki na ni miguel!...parang nasa pinas tayo ah...ang hirap nating magkita dito sa dubai. pasencia na at sobrang busy sa work. tsaka friday lang off ko. miss ko na ang sleepover sa inyo. enewei, i'm looking forward sa ating grand vacation sa july! sana matuloy ito. :-)
jo! hahaha...natatawa ako. kakausap lang natin via ym (jo is now living in canada). nasabi ko na lahat ng gusto kong ikwento sa'yo. super mis na din kita! kelan kaya tayo ulit magkikita? excited na ako talaga sa soon-to-be inaanak ko sa'yo. sana ibigay na ito sa inyo soon. :-)
Binanggit ko na sa aking mga kaibigan ang aking planong repatriation sa July 2013 at eto ang kanilang mga reaksyon:
pre: fren, yehey! atleast tayo naman ang magkakasama dito sa pinas. miss na kita talaga.
me: oo nga fren...excited na ako!
ivy: naku tin, baka mauna pa kami sa iyo. hehe.
me: naku, wag nyo naman akong unahan. nauna ako. naka-plano na ako at ayokong maiwan dito! hehe :-)
jo: lagi ko na lang naririnig sa'yo ngayon ang july 2013 na yan ah...pag ikaw, di natuloy libre mo ako ng pamasahe. hehe
me: hahaha...cge ticket for two pa! ang plano ko is kunwari naging successful ang itatayong business ko (sympre with the help of my prospective investors-kayong 2 ni ivy..hehe), pasyalan kita dyan sa canada! hehe.
To my F4 Friends,
I'm so grateful for having you in my life. Gusto kong malaman ninyo na nandito lang din ako para sa inyo. Mahal na mahal ko kayong lahat pati na rin ang mga mahal ninyo sa buhay. (pakiusap: wag nyo naman akong i-pressure pls kung di ako mag-asawa ah.hehe).
Miss you so much! Ingat and God bless you always.
-tin
No comments:
Post a Comment