Wala ka bang nararamdaman?
Ika ng hangin na
humahalik sa atin:
panahon na naman ng pag-ibig,
panahon na naman
panahon na naman
ng pag-ibig
gumising ka,
tara na"
-by Rivermaya
Malapit na ang araw ng mga puso! Yippeee! Eh ano naman daw sa akin tanong ng kaopisina. Wala lang, gusto ko lang magsaya. bakit ba? hehe. Love. Love. Love. ika nga ni kris aquino. :-)
Niloloko ako ng mga ofismeyts ko baka naman daw may ma-received akong flowers sa valentines pero ang sender daw ako din. hahaha...grabeh naman, never ko namang naisip itong gawin.
Unting kwento lang, meron akong kaopisina, si ate MT, 42 years old, single & NBSB (no boyfriend since birth). Lagi kong sinasabi sa kanya na 'ate, mag-asawa tayo sige na'. Pinipilit ko siya. Ang sagot naman niya lagi sa akin, ikaw na lang kung gusto mo. Ako, masaya na akong single. Tsaka kung gusto ko, sana noon pa.
Then ako, titigil na sa kakakulit at sasabihin na 'sana maramdaman ko din yung ganyan ate MT kung talagang di ako for married life..bakit kasi ramdam na ramdam ko ang pag-ibig? :-)
Just today, naka-received ako ng message sa aking bestfriend noong college. nag-aaya na ding mag-asawa na kami this year (it's like as if meron akong naka-ready na groom). malapit na daw ang birth month namin (pareho kaming ipinanganak sa buwan ng Marso), tatanda na naman kami. May pinapaaral pa ang aking bestfriend kaya alam namin na hold muna ang plano niya. Anyway, next year tapos na ang bunso nila kaya pwedeng-pwede na nun.
Nag-meet nga din pala kami kanina ng aking kaibigan since birth. Kasama niya ang kanyang husband na kanina ko lang na-meet in person . Kadarating lang niya sa dubai. Kwento kwento at sympre napunta ang usapan sa lovelife ko naman. Natatawa ako parang meron akong lovelife talaga. :-)
Share ko lang, fresh na fresh na status from Facebook ng isang kaibigan:
"just one step and i will be brave for you"
No comments:
Post a Comment