Ako dapat ang magiging leader ng team. Pero dahil sa bakasyon ko nag-decide ang boss namin na yung kasama kong ibang lahi at lalaki na lang. So yun nga ang nangyari.
After mag-reconcile ng inventory, it turned out na napakalaki ng variances sa mga sites---missing? not properly documented? not properly counted?. Sa sobrang laki ng variances, nagpatawag ng meeting ang management kanina sa lahat ng involved. Kahit na sobrang busy kami ngayon sa audit, pinapauna munang i-resolve ito. This time, kasama na ang bisor ko sa actual count. Evicted na si ibang lahi sa team (at medyo nanganganib siya due to incompetence)
Two days ang alloted time namin para ma-cover ang lahat ng mga sites - Jumeirah Village South, Al Furjan, Discovery Garden, Palm Jumeirah & International City.
Sana ma-reconcile namin at mahanap ang mga variances. Dahil di biro ang almost 1M Dirhams! Sigurado may mananagot pag nagkataon.
Trivia:
'nag-iisang ako' lang na babae ang kasama sa buong team. nasabi ko nga sa boss ko na buti na lang hindi ako naging team leader dahil tingin di ko kakayanin ang pagod. sabi ba naman, "nagkamali nga ako ng pagpili sa isa, eh mas tigasin ka pa dun"...ganun, tama bang gawin akong lalaki?!!!! :-)
No comments:
Post a Comment