Monday, January 23, 2012

Mistaken Identity

Dalawang Magkaibigan Habang Nagkukwentuhan

Kaibigan 1 : fren, good to see you. mukhang blooming ka ngayon ah.
Kaibigan 2 : na-miss kita. musta na bru? sana laging mukhang blooming ako. hehe.
Kaibigan 1: sino ang may kagagawan niyan ah?!!!
Kaibigan 2: fren, wag kang mabibigla ah pero gusto ko na si "joey", yung ni-kwento ko sa'yo dati.
Kaibigan 1: weeehhh, kinikilig naman ako sa'yo. kwento ka naman, paano nag-umpisa?
Kaibigan 2: relax, di ko nga din ma-pinpoint kung paano nag-umpisa. hi/hello lang kami. unting kwento ganun lang. tapos isang araw, napansin ko na lang na hinahanap-hanap ko na siya. nasanay na ako sa kanyang presence.
Kaibigan 1: hay naku fren, i'm so happy for you. at in fairness maganda ang pangalan niya "joey"?
Kaibigan 2: actually fren, di ko alam ang full name niya, nahiya akong itanong. di ko din sure kung "joey" nga ba ang pangalan.
Kaibigan 1: naku fren, assignment mo yan.
Kaibigan 2: cge fren, aalamin ko at inform kita agad. mamaya dyan di naman pala 'joey' ang pangalan nun. hahaha..


Few Days Passed....

Mga Magkakabarkada Nagkakasiyahan

Barkada 1: pre, masarap yung sisig. sino nagluto?
Barkada 2: si "joey"...kaya lang ayaw kainin ni brownie (isang alagang aso). mana sa may-ari.
Barkada 3: mana nga yata, di man lang ito ginalaw ni brownie
Barkada 4: yung gustong kumain, nasa mesa lang ang sisig.
Barkada 5: tamang-tama gutom na ako. salamat joey.


Lahat ito nasaksihan ni Kaibigan 2. Di niya mapigilang mapangiti pero di nagpahalata. Dali-dali niyang tinawagan si Kaibigan 1 para ikwento ang mga naging kaganapan. Tawa sila ng tawa dahil nagkamali sila. Kinikilig sila sa isang taong wala pang pangalan. haha....



No comments:

Post a Comment