Isang taon matapos kong i-blog ang aking pinaka-engrandeng plano sa Unveiling My Most Grandest Plan, muli ko itong binisita kung ano na ang naging progress nito. As the master planner, satisfied naman ako sa nangyari. :-)
Hindi pa siya tapos na tapos pero natitirhan na namin. I'm so inspired & determined na mapatapos ko na ito sa darating na May 2012. Tamang-tama lang kasi by July 2013, balak ko ng mag-retiro from abroad. Atleast meron pa akong enough time at maipa-plano kong mabuti ang aking repatriation in terms of financial aspect.
I've mentioned dito na dream ko talaga para aking nanay na ipagawa ang kanyang dream house. Eto na nga yun, nagawa ko! Di ko mapigilan, pero i feel proud of myself! hehe. :-)
Si nanay ko siyempre proud na proud din. Siya lahat ang pumili ng materyales sa bahay! Napabilib nga ang mga kamag-anak namin dahil may 'taste' daw si nanay---simple at elegante ang mga gusto. I agree.
MY MOTHER SAYS:
tin, okay na ang bahay nito. stop na muna niyan. asikasuhin mo muna ang sarili mo. baka makalimutan mong mag-asawa. alalahanin mo 30 ka na! di ka na bata. kahit mag-boyfriend ka na muna.
MY LOLA (from mother side) SAYS:
tin, kumendeng-kendeng ka kasi pag naglalakad (hahaha! sobrang natawa ako sa aking lola. naiinip na siguro sa akin. nauna na lahat na mag-asawa)
MY REACTION:
ngiti lang sa kanila at assurance na gusto ko naman talagang mag-pamilya. yun ang aking ultimate plan. (cool lang ako dahil alam kong mangyayari ito. actually, ramdam na ramdam ko na ito. i feel malapit na.this year 2012? who knows? hehe)
HAPPY NEW YEAR!!!
BEFORE
AFTER
BEFORE
AFTER
Note:
Photos above were all taken (by myself) during my vacation in the Philippines:
Before Photos - in September 2010
After Photos - in December 2011
No comments:
Post a Comment