Matutulog na sana ako at pass muna ako sa tv at internet nang biglang maalala kong mag-check ng ym baka lang kasi may nag-iwan ng message sa akin. Wala naman. I was about to sign out nang biglang nag-online ang kuya ko. Madalang ko lang siyang makausap kaya nagparamdam ako sa kanya.
Ayun, kwentuhan at komustahan kami. Bakasyon niya ngayong end ng February, di kasi ito natuloy noong pasko (nagtatrabaho din siya sa ibayong-dagat). Di tuluy kami nagkita.
After ng mahaba-haba naming kwentuhan, nagpaalam na si kuya. Matutulog na daw siya. Ito ang kanyang parting words na nakapagpalakas at nakapagpangiti sa akin hanggang ngayon:
tin : ingat dyan. bye.
kuya: ok bye. mis na kita.... ingat. mis u!
tin : gudnyt kuya :-)
No comments:
Post a Comment