Saturday, January 7, 2012

There's No Place Like Home :-)

Kung itatala ko ang level of excitement na naramdaman ko noong nagdaang taon (2011), i'm sure highest ang Dec 15, ang araw ng aking pag-uwi sa Pinas dubbed as my shortest vacation yet the happiest!

Pumasok pa ako nung araw na yun pero sympre naglalakbay na ang aking isip sa Pinas. hehe. Mababait ang aking mga boss so undertime ako nung araw na yun para makapaghanda pa. Habang papalapit ang aking pag-alis ay di ko na din mapigilan ang aking excitement. Ang bilis ng tibok ng aking puso. Nag-palpitate talaga ako. Binibiro nga ako, baka daw mauna pa ako sa ospital kesa sa Pinas..hahaha...Ganun lang talaga ako pag sobrang excited. :-)


Sobrang saya ko talaga noong araw na yun, nkapag-email pa nga ako sa aking mga ofismeyts:


Subject: Maligayang Pasko

salamat. thank you. shukran. merci.

thank you for everything---for a new work, for a christmas vacation (after 6 years!), for the friendship and for everything else in between.

i will miss you all! enjoy your holidays!

-tin



Sobrang saya ko talaga dahil nakapag-Pasko ako sa pinas. Ibang level ang happiness. :-) Yung tipong patulog na lang ako, nangingiti pa dahil sa sobrang kaligayahan. hehe...Haaayyy, i miss home already. Di bale, malapit na July 2013..For good na ito. (binanggit ko na sa nanay ko ito. as long as na mag-asawa daw ako, okay sa kanya. hahaha.. ang layo ng sagot di ba.)





our new home.sweet.home :-)
i'm so proud to say na 'katas ng dubai' ito.



eto na lang ang natira sa luma naming bahay
nilipat ito sa likod.
pansin nyo ang madaming parol? wala lang
natuwa lang ako pagkakita sa mga ito. :-)


gumagawa ng taho ang isa kong tito (si tito ding),
meron akong supply ng taho at tokwa from him.
did you know na ang taho pag tumagal nagiging tokwa?



sinadya ng aking ina na may mga native fruits sa aming hapag-kainan
dahil daw alam niyang madalang ang mga ito sa abroad. :-)


sobrang tamis nitong yellow watermelon na ito!
first tym kong makakita nito kaya picture picture :-)



hmmmm..my favourite food.
(inihaw na dalag w/ sampalok at bagoong na sawsawan!)


kaka-miss ang mag-ihaw ng fresh tilapia :-)


trademark ng aking nanay ito- purong tsokolate
gawa sa buto ng cacao :-)
super favourite ko ito mula pa noong bata kami!
(walang binatbat ang hot chocolate ng jollibee. hehe)


paano ang paggawa ng tsokolate?
1) kainin muna sympre ang bunga ng cacao
2) itabi ang mga buto at ibilad sa araw
3) pag tuyung-tuyo na ito, isaing (gaya ng nasa picture)
4) ipagiling ito (mas maganda daw kung may halo itong kaunting peanuts)
5) then dyaraaannn...pwede na itong timplahan sa boiling water. :-)



No comments:

Post a Comment