OMG! Sobrang huli ako sa balita. Palabas na pala ang Sherlock Holmes 2! Google search agad ako kung palabas pa dito sa UAE. Haaayyy, salamat showing pa ito. Kelangan kong mapanood ito.
Gustung-gusto ko ang story ni Sherlock Holmes. Hanga ako sa galing at bilis mag-isip ni Sherlock Holmes (portrayed by Robert Downey Jr). Di ako mahilig mag-ulit ng movie, medyo may pagka-impatient kasi ako. Pero yung Sherlock Holmes part 1, di ko na mabilang kung ilang beses ko itong naulit panoorin. Ewan ko pero di ako nagsasawa. :-)
Kaya naman i'm giving myself an ultimatum. Kelangan panoorin ko ang part 2 nito! Kung hindi, di ko mapapatawad ang sarili ko. Di ko man lang mapagbigyan ang sariling kaligayahan ko.
Wala naman sanang problema. Yun nga lang, di pa ako nakapanood ng sine na mag-isa. (i know, ni-promise ko sa sarili ko na must-do ko ito pero di ako nagtagumpay).
Basta dapat mapanood ko itong movie na ito. Medyo nalungkot tuloy ako, na-miss ko bigla ang kaibigan kong si joana. movie addict kasi ito. kayang-kaya niya na manood ng movie na mag-isa.
Haaayyy, bahala na. Basta ang alam ko gustung-gusto kong panoorin itong movie na ito. Magandang senyales ito. Kasi pag gustung-gusto kong gawin ang isang bagay, ginagawa ko lahat ng makakaya ko. Let's see sa friday kung gustung-gusto ko pa rin ito. haha.
Natatawa ako habang sinusulat ito. Parang ang laki ng problema ko noh? hehe. Kelangan ko lang i-blog ito para lumaki ang chance na papanoorin ko talaga ang Sherlock Holmes by hook or by crook. :-)

Source: Wikipedia
isa sa mga all-time favourites ko ang Sherlock Holmes
sana di ako mabigo ng part 2 :-)
inuulit ko din ang mga nagustohan kong movies..Isa ang sherlock holmes ang inulit ko panoorin last year.
ReplyDelete@ Akoni,
Deletemaganda naman kasi talaga. di nakakasawa kahit ulit-ulitin pa.
thanks nga pala sa pagdalaw. :-)