Wednesday, January 25, 2012

Bloopers...

Scene 1
Papunta kami nun sa Abu Dhabi ng aking mga kaibigan. Medyo malayo ang biyahe kaya dumaan muna kami sa isang gas station para bumili ng makakain. Nagpunta ako sa rest room. Pagkalabas ko, nag-aantay na ang mga kaibigan ko sa sasakyan na naka-park sa dulo. Dali-dali akong tumakbo sa sasakyan. At umupo sa pwesto ko, sa driver's seat.
Driver/Friend: ok ka na tin. naka-belt ka na?
Ako: (nagtataka) oo, suot ko naman ang belt ko (sabay tingin sa aking sinturon)
Driver/Friend: ang ibig kong sabihin is yung seatbelt. :-)


Scene 2
Pauwi ako sa bahay namin galing sa isang interview. Sumakay ako ng metro. After ng isang station, tsaka ko palang napansin na mali pala ako ng nasakyan. Sa kabilang side dapat ako. Natawa ako sa sarili ko, pasimpleng bumaba at lumipat sa kabila, nawawala na ba ako sa sarili ko? hehehe.

(understandable ito kasi nawalan ako ng work nun dito (last year lng), siguro lumilipad ang isip ko nun. pero naging wake-up call ito sa akin para maging aware pa rin sa kapaligiran)


Scene 3
Year-end party namin sa ofis. Dinala ko si 'alexis', ang aking camera. After ng dinner, naki-join ako sa mga 'official photographers' ng aming company. Nag-table hopping ako para kunan lahat ng mga pictures. Nung nasa table na ako ng mga bossing. Aba'y sa hindi maipaliwanag na dahilan ayaw mag-click ng camera ko! After pa ng tatlong attempt tsaka lang gumana.

No comments:

Post a Comment