Actually ang mga isusulat ko ay mga inaasam ko na mangyari sana this year 2012. Isasama ko na din ang mga new year's resolution ko para may ebidensiya ako kung di ko ito nagawa at the end of the year. :-)
1) matatapos na ang aking 'engrandeng plano' this may 2012.
2) magtutuluy-tuloy ang pag-eenjoy ko ng panonoood ng sine na mag-isa.
3) makakapasyal ako sa isang bansa na never ko pang napuntahan----could it be UK, malaysia, thailand or korea? we'll see.
4) magkakaroon ako ng business venture i.e. fishpond/piggery/poultry/farming
5) at the end of the year, meron na akong concrete plan para sa aking repatriation sa july 2013.
6) matutupad na ang pangarap ng aking nanay at lahat ng aming kamag-anak dahil magkaka-boyfriend na ako. (meron ng tinitibok ang aking puso. ang lakas nga ng tibok nito. naririnig mo ba? -boy pick-up. hahaha.)
7) sasali ako sa isang contest - photo? blog? radio? (in my dreams.hehe)
8) learn a new craft -photography/baking/etc.
9) magiging 20 o higit pa ang blogroll ko.
10) dadalo ako sa isang grand EB ng mga blogger dito sa UAE. better yet, mag-oorganize ako ng isang EB. (haha..very ambitious!)
Cia, yan na lang muna. malalim na ang gabi dito (12:16 am). patapos na ang The Buzz. :-)
No comments:
Post a Comment