Wednesday, April 18, 2012

Restart

gosh! it's been a long time since my last post. super busy. ang dami kong na miss na isulat.

Dumaan ang mga ito:
1) ang aking 31st birthday last march 31 (w/c for the very first time nag-invite ako ng aking mga kaibigan (other than the usual casts) dito sa haws to celebrate).
2) mahal na araw (we got to do the traditional visita iglesia, first time din naming gawin ito. nabisita namin ang 7 churches at nag-station of the cross. pramis namin na gagawin na ito every year kahit nasaan man kami)
3) easter sunday (OA na ako pag sinabi kong first time ko din ito..hehe...nagsimba ako ng early morning nito then diretso sa ofis...tawag sa pinas..text ng mga greetings...bowling practice naman kami after ofis in preparation sa nalalapit na bowling tournament ng aming company)

And today:
1) our UK trip plan in July 2012 is officially cancelled. got the refusal letter from visa office today. the officer states that since i do not appear to have anyone who is dependent upon me in either the UAE or Philippines, he consider my ties to both countries to be limited. Hence, he is not satisfied that only a short visit is intended. Ok lng sa akin ito, ayaw talaga akong pagastusin. hehe..tsaka nauna nang na-refused ang mga kasama ko, ang reason naman nila is buong family magkakasama kaya baka di rin sila bumalik. anyway, yun nga yun. excited na pa naman ang mga pupuntahan namin. pero that's life. UK is not for me.sabi ko nga, makapag-ukay ukay na lang muna. hehe.
2) UK is out. who's in? malaysia or thailand ang aking pinagpipilian if ever uuwi ako ng pinas this july 2012. pinag-iisipan ko pa ito dahil expense ko ang ticket ko ngayon (in-advance na kasi ito last dec vacation ko).
3) visit visa ulit si kuya ko dito sa dubai. pina-courier na namin kanina ang visa niya. end of april andito na siya. hmmmm, sana madami akong pasalubong. hehe.


Haaay, salamat at naka-blog na ulit ako. i'm afraid baka makalimutan ko ito. hehe. Tama na muna ito. Bukas, meron akong nakakatawang true-to-life na kwento---a tragic comedy love story. :-)


4 comments:

  1. belated happy birthday sayo.

    at baka naman pedeng sumama sa trip mo :)

    magandang araw :)

    ReplyDelete
  2. @ Istambay, hello! musta na? ang tagal mo ding nawala ah.
    salamat naman sa pagbati. tara! sama na sa galaan! :-)

    ReplyDelete
  3. taga-uae ka rin pala :) nagback-read ako ng konti, congrats sa house project, siguradong natuwa sa galak ang inay mo! at good luck sa balak mong mag-for good by next year!

    ReplyDelete
  4. @McRich,
    thanks sa pagdalaw at talagang may bonus pa na back-reading. :-)
    bumisita din ako sa bahay mo, nakigaya sa pagback-read.hehe...by the way, ang cute ng baby ninyo. gusto ko ding makipaglaro sa kanya. :-)

    ReplyDelete