Thursday, April 26, 2012

Starbucks

Pasakalye: Weeehh, bago na ang itsura ng blogger ngayon. Naalarma ako ng unti kasi medyo natagalan ako bago ko nakita kung saan ang new post. hehe. Enewei, i'm back again. I know ni-promise ko earlier na may iba-blog akong true-to-life na tragic comedy love story. ipagpapaliban ko muna ito. di ko pa kayang ikwento. di ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa nangyari. hehe..In the meantime, share ko muna ang mga nangyaring meet-ups ko with my friends sa Starbucks, Al Ghurair. :-)

Btw, i'm not a coffee-lover. Nagkataon lang na sa Starbucks ang aming meeting place. I remember my bestfriend in college, super favourite niya ang coffee. From dusk till dawn, kape ang kanyang kasama! Coffee na yata ang dugong dumadaloy sa kanya. haha. Peace MC! Miss you! :-)

I can't concentrate sa aking sinusulat ngayon. Ilang oras na lang darating na ang aking kuya. Actually, dapat andito na siya. Delayed ang flight ng Cathay Pacific. Ang aga-aga kong nagising at nagpunta kanina sa airport, only to find out na delayed ito. Nag-leave pa ako today. Anyway, okay lang po basta safe na makarating dito ang kuya ko.

Excited na ako! Lahat daw ng bagahe ng kuya ko, padala para sa akin. hahaha! Mamaya-maya lang, makikita ko na ang mga ito. hehe.

Mag-blog na lang ako ng separate about it ah. Tapusin ko muna ito. Baka kung saan-saan ako makarating. :-)




02 April 2012 Monday
with Annie :-)

para kaming adik ni annie dito!
may dala-dala siyang 2 whole cakes para sa aming dalawa.
weeehhh, buti na lang di ako nagda-diet pa. :-)

from L to R - me and annie :-)
annie, kelangan na nating mag-diet pala! hahaha.
tingnan mo ang kuha natin! puro bilbil na tayo! :-)
















21 April 2012 Saturday
with my highschool classmates :-)

di sila ang original barkada ko in highschool.
actually, ako lang ang hindi nila original barkada noong highschool. :-)
pero naging super close kami nung 1st reunion namin
dahil kasama ako sa mga organizer nito.
by the way, sa Dec 2012 ang grand reunion ng aming batch!
i don't think i can attend, malabo ang Dec na bakasyon this yr.
tsk.tsk. sayang meron pa naman daw na 'It's a Date!' game
para sa mga single ladies. hahaha :-)




moment ko daw ito sabi ng aking mga klasmeyts!
i agree, nakuha ang aking anggulo.
considering stolen shot pa ito! :-)


ang aking mga kaklase :-)



26 April 2012 Thursday
with my long-lost friend SM :-)

super tagal na naming di nagkita ni SM nito!
madami daw siyang pinagkakaabalahan.
pati nga bday ko naindyan!
(count me out kung meron kang party sa bday mo)
makaganti man lang. :-)



ok, erase. erase.  i wouldn't want to miss it! pupunta ako
kahit di pa ako invited or kahit walang party. haha.
maiba ako, ang sarap ng cheesecake!
thank u friend! thank u sa time! na miss kita sobra!





btw, wala palang pic si SM. camera-shy? di siguro.
thank u ulit SM! sa uulitin ulit, ako naman ang taya! :-)

2 comments:

  1. akala ko naligaw ako ng pinutahan,

    teka nasaan ka sa pics?

    gandang araw po :)

    ReplyDelete
  2. @ Istambay,
    hehe...been LSS to this song kaya naisipan kong ilagay dito.

    no more back-pics for me, nahihirapan nako..hehe..ako po lahat yung nasa solo pics.

    magandang araw din sa'yo. :-)

    ReplyDelete