Friday, May 18, 2012

Decision Made

Pagkatapos ng mahaba-habang pag-iisip kung uuwi ako ng Pinas o hindi ngayong taon for vacation, finally   nakapag-decide na ako na uuwi ako. :-) Kahit pa sagot ko ang ticket ko this time, in-advance ko na kasi ito last Dec. Nagdalawang-isip ako dahil:
1) yun nga, di free ang ticket ko.
2) july 2012 ang approved vacation ko (walang special occassion sa amin)
3) di ako excited..hehe...nauna na kasi akong na-excite sa supposedly UK trip namin pero na-denied kami. (nai-blog ko na din ito...ok lang naman ito sa akin dahil di pa naman talaga kaya ng bulsa kong mag-gala ng bongang-bonga...may masa-sacrifice pa nagkataon..di ako kakain ng isang taon..hahaha)

So what made me changed my mind?
nag-chat kami ng nanay ko kanina. tinanong ko siya kung uuwi ba ako o hindi. sinabi ko sa kanya na hindi free ang ticket ko. ipapadala ko na lang sa kanya ito at bumili ng bagong refrigerator (naikwento niya kasi na natanggal ang door ng ref namin kanina)...Akala ko mag-aagree ang nanay ko sa akin. Praktikal din kasi ito kagaya ko. Alam niyo ba ang sinabi niya? "uwi ka na lang para naman matulugan mo naman ang bahay natin ng matagal-tagal". Right there and then, nawala ang aking alinlangan. hehe...Yes, i'm going home! :-)


And now excited na ako! hahaha....I'm planning for a 1-day stopover either in Malaysia or Thailand. 1st choice ko si Malaysia, gusto ko lang makita ang Petronas Tower..hehe..Sana lang merong pa silang flight from Dubai. Check the net wala na ang dubai. huh?! Tawag agad ako sa mga posibleng nakakaalam. Meron akong friend na merong contact sa agency, malalaman ko bukas kung meron pa. Crossed-finger. :-) Kung wala naman, okay lang sa akin si Thailand (yun nga lang merong kaba, mag-isa lang kasi ako). Enewei, we'll see kung ano ang matuloy sa dalawa. Basta pag merong pang flight ang Malaysian Airline from Dubai. Go na go ako sa Malaysia!

MULTIPLE CHOICE

1) Saan ko gustong mag-stop over this time (minus na ang Singapore & Hongkong)?
a) Malaysia
b) Thailand
c) none of the above
d) depende sa sitwasyon

2) Ano ang sasakyan kong airline?
a) Malaysian Airline
b) Thai Airways
c) Etihad Airways
d) Depende sa answer sa no. 1


Planning Ahead
Ito ang pagkakaabalahanan ko mula bukas. Kelangan ko nang magpa-book ng maaga at makagawa ng itinerary ko. Plano ko ding ipa-move ang vacation ko from July to Aug. Birthday kasi ng nanay ko sa Aug 19. Bukas na bukas din mag-request na ako ng date change of leave. For now, eto na lang muna. Wala pa akong maidadagdag. hehe..Gudnyt! :-)

No comments:

Post a Comment