Sunday, May 27, 2012

Vacation Plan-2012

Weeehhhh, this is it! Excited na ako! Tuluy na tuloy na ang bakasyon ko sa Pinas this coming August. And to date, meron na agad akong schedule na kagalaan. hehe..i'm expecting na dadami pa ito pag ipinaalam ko na sa mga kaibigan ko sa pinas na sure na akong uuwi. eto ang mga confirmed na gala ko na:
1) Singapore (ulit)---oh yes! love is sweeter the second time around! hahaha...tsaka di ko pa talaga nalibot ito noong last akong nagpunta doon na mag-isa (2010). Dito ako mag-stop over ulit ngaun para meet ko ang friend ko na based na doon ngayon. Ipapasyal daw niya ako sa mga di ko pa napuntahan dun ie. night safari etc. At sabay kaming pupunta sa....MALAYSIA! (Note: blessing in disguise na wala ng flt ang Malaysian Airline from Dubai. otherwise, di kami magkikita ng aking kaibigan. last kaming nagkita bago ako nagpunta dito sa Dubai, in 2005 pa!)
2) Malaysia - gosh! excited na ako talaga. i've been dreaming to see this place...gusto ko lang makita ang petronas tower. hehe...6 hours daw ang byahe from singapore...kerimg-keri na namin ng aking kaibigan ito.
3) Mindoro- weeeehhh! uuwi din ang aking kaibigang si ivy. at napagplanuhan na pupunta kami sa Mindoro. taga-doon kasi ang asawa niyang si ryan..sabit ako sa pasyalan...1st time kong sasakay ng barko! madami ding rambutan at banana chips doon. :-)
4) Tagaytay - eto naman reserved namin ang date na ito para aming nanay. Nagkaayaan na magtagaytay kami ng F4 (minus si jo na nasa Canada) kasama ang aming mga nanay. Invite din namin sympre ang nanay ni jo. :-)
5) Manila Zoo- eto naman ang hiling ng aking mga pamangkin. hehe...di pa kasi nakakapunta sa zoo si kobe (3-year old ko na pamangkin) kaya yun ang naisip nila na pasyalan daw namin.
6) Ilocos/Manila- for sure, di na papayag ang bestfriend ko noong college na wala kaming bonding ngaun. inaabangan na niya ang aking pag-uwi.


If there's a will, there's a way. :-) In just one week, i managed to arrange my plan vacation just the way i like it.
1) moved my vacation leave from july to aug to coincide with my mother's bday on aug 19. -DONE
2) booked a flight - DONE (ticket to be issued and paid this month-end, sa sweldo:-))
3) itinerary to include stopover in Malaysia - DONE

On top of all these, i'm also planning to have a simple yet memorable birthday party for my mother. gusto ng nanay ko na mag-party sa 60th bday niya which is sa 2013 pa, di ko pa alam kung nasa pinas ba ako nun o wala. kaya napag-isip isip kong mag-hold ng isang party para sa aking nanay...i'm actually thinking of doing a suprise party. :-)..di uso sa amin yun kaya for sure magiging memorable ito. i'm also planning to make a video clip for my mother...kukunan ko ng message lahat ng nagmamahal sa kanya (sympre including me). Camera-shy ako but i'm gonna do it for my mother. Ako din ang mag-eedit ng video sympre. Nagpapa-schedule na ako ng tutorial sa kaopisina ko. Di pa ako marunong eh. hehe.

Pag usapang bakasyon talaga, nake-carried away ako. Di ko alam kung saan ko tatapusin ang aking kwento. hahaha.

Bago pa ako mag-sign off tonite, it is important to note na 2 months na lang pala ang aking aantayin at nasa Bayang Sinilangan na ako! Sobrang excited na ako! :-)









No comments:

Post a Comment