I and our youngest brother, have this high regard and respect with our kuya. We've always been looking up to him eversince na naging kuya namin siya.hehe. We recognize his authority/power over us. Pramis, isang utos lang niya dati, sunod agad kami. nanginginig pa. :-)
I remember pag nagluluto siya sa amin noon, lahat kami sa bahay pagod dahil puro utos siya. hehe. Di naman sympre kami maka-hindi. hehe. Takot lang namin.
Four years ang tanda ng kuya ko sa akin (he's turning 35 sa May 28! advance happy bday kuya). Unlike yung bunso namin na 1 yr lang ang agwat namin, never kaming nag-away o nagkatampuhan man lang ng kuya ko during our younger years (yung bunso namin lagi kaming nag-aaway dati over tv remote control.hehe.). Siya kasi yung tipo ng kuya, na kuya talaga in the true sense of the word. Di siya mahirap lapitan. At alam kong ipagtatanggol niya ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. :-)
During my late teen years, di naman daw mahigpit ang kuya ko sa akin pagdating sa mga 'boys'...Pwede naman akong makipagkaibigan or mag-boyfriend na bsta mag-aral lang ng mabuti. Pero malaman-laman ko, may usapan pala silang lahat na mag-babarkada na hindi talo ang mga kapatid. Dami ko pa naman crush noon sa mga barkada ng kuya ko...hehe...No wonder nung maging kaibigan namin ang ilan sa mga barkada ng kuya ko, pag magpupunta sila sa amin, kelangan muna nilang magpaalam sa kanya na kinakausap lang ako. etc.etc.
Noong bago pa ako dito sa abroad lagi yang tumatawag sa akin para lang ipaalala na bago ako mag-boyfriend kailangan makilala muna niya ito. marami daw manloloko at kilalang-kilala daw niya ang mga likaw nito. Going 7 years na ako dito this Nov and yet wala man lang siyang nabalitaan na nagkaroon ako ng boyfriend. So ayun, siya na ang kusang tumigil sa pagpapa-alala. :-)
Fast-forward today
Sa buong 2 weeks na pag-stay ng kuya ko dito sa Dubai (Apr28-May11,2012), siya lahat ang naghanda ng breakfast at dinner namin! As in pati paghugas ng plato siya din ang gumawa (samantalang noon, di sila marunong maghugas ng plato..ako ang katulong nila). Nahiya ako nung una sa kuya ko tsaka hindi ako sanay. hehe..Ang katwiran ng kuya ko..yun ang trabaho niya--cook kasi siya. And I'm really proud of my kuya, magaling nga siyang magluto. Two-times akong nagpa-taste test sa office at patok na patok ang kanyang pork/beef teriyaki, gen. chao chicken and cashew chicken. :-)
Ni-kwento ko nga ito sa aking nanay. Pinagluto din pala siya nito noong bakasyon nito sa Pinas. Wow, ngayon ko lang napagtanto, lahi pala kami ng magagaling magluto. hehe..Masarap din ang mga luto ng aking nanay tsaka yung bunso namin. Saglit, ako lang yata ang napahiwalay ng landas..hehe...Wala lang akong time. :-)
OMG! ang haba na pala ng kwento ko sa kuya ko. Enewei, hanggang dito na muna ito. In summary naman, gusto ko lang ipaabot /maisulat man lang kung paano kami magmahalan ng aking mga kapatid. (Di namin nakasanayan na magsabihan ng i love u sa family namin, basta alam at ramdam na namin yun) :-)
Burj Khalifa & Dubai Mall on our background
so happy together :-)
no dull moments pag kasama ko ang aking kuya
magaling magkwento. sinasabayan ang kadaldalan ko. :-)
near Union Metro Station
galing kami nito sa Dubai Creek :-)
sympre di mawawala ang pagkain ng shawarma
pag may bumisita dito.
@ Aroos Damascus
sarap ng charcoal broiled chicken dito
pero iba ang order ng kuya ko-halabi??!
hilig ng kuya ko ang mga pagkaing kakaiba
@ Dubai Mall
suggestion ko gayahin namin ang mga nagda-dive sa
likuran namin. eto ang kinalabasan..hahaha..
para kaming ewan. :-)
@ Jumeirah Open Beach,
Burj Al Arab on the background :-)
chilling out :-)
Note:
Meron pa kaming kapatid na bunso. Binisita na din niya ako dito sa Dubai noong Jan 2010 (isa siyang seaman ngayon). Sympre pinasyal ko din siya. Nakakatawa nga ang kuya ko, tinanong niya ako kung nakapasyal din ba si mac sa mga pinuntahan namin. Ang sagot ko, oo lahat, lamang lang siya ng Jumeirah Open Beach. Pero si mac naman ay naibili ko ng sapatos. hehe... :-)
No comments:
Post a Comment