Sunday, June 6, 2010

Looking To (My) Future...

Sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasang magpahula. Ewan ko pero may kung anong takot akong nararamdaman. Kahit anong dare pa ng mga kaibigan at barkada ko noon sa akin, never akong nag-give in. Hindi rin ako naniniwala sa Horoscope. Hindi mo rin ako maaasahan na mag-forward ng mga emails/chain letters dahil may magandang mangyayari daw sa akin o kaya masama naman pag hindi. I do forward emails pag nagandahan ako sa content/message nito, pero i always delete yung ganitong condition. Ayokong ma-pressure pa ang makatanggap nito.

Pero alam niyo ba kung minsan nakikita ko ang posibleng maging future ko? Hindi pa ako manghuhula nito. Wala din akong perlas na bilog na kagaya ni Manang Bola.

Wala naman akong sixth sense. Hindi pa rin naman ako nakakikita ng multo (wag naman sana). Sa tingin ko, dahil siguro mahilig akong mangarap. Masyado akong nadadala sa mga ito.

Eto ang ilan sa mga nakita ko na (paalala: wag pong matakot sa akin.hehe)

NOON
1) nakita ko ang sarili ko na nagsisimba sa bayan namin kasama ang soon-to-be family ko. meron daw kaming 2 anak- 1 boy and 1 girl. Lalaki daw ang panganay namin then yung babae ang bunso. Karga daw ng asawa ko yung bunso namin. Grabeh! Dito ako na-convinced na i'm for married life. (naramdaman ko kasi dati na meron akong calling). Nakita ko ang sarili ko na masaya at very contented sa buhay. Napakalinaw talaga nang nakita ko (except yung mga mukha ng mga characters). The question is kelan kaya ito mangyayari? Hehe.
2) i saw my mom living with me. Nasa hospital daw kami kasi manganganak na ako, gusto ko daw nandun din siya! (haha...what a dream?!)
3) kumuha daw ako ng masteral. nung natapos ko ito naging college professor ako, nagtuturo sa isang unibersidad sa namin. (actual plan ko talaga ito nung nasa Pinas pa ako. but things have changed nung pumunta ako dito)

NGAYON
1) nakikita ko ang sarili ko na mag-isa pero masaya pa rin naman. pagala-gala daw ako sa mga lugar na pinapangarap kong mapuntahan. dito sa Dubai naman, lagi kong nakikita ang sarili ko na nasa bookstore, seryosong nakikibasa ng mga nobela then pag nagandahan, babalikan ito next time. Pag nagandahan ulit ako, ibig sabihin worth reading talaga sa tingin ko, dun ko palang bibilhin ito . Kung minsan naman, pagala-gala sa mall kasama ang ilang kaibigan. Sa blogging naman, nakikita ko ang sarili ko na contributor na sa mga kagaya ng Kablogs Journal pero hindi pa sa ngayon yun. Kelangan ko munang magpraktis kung paano ang maging writer. Hindi pa pasado sa aking standard ang mga gawa ko. Pag pumasa na ako sa aking quality control, ako mismo ang lalapit sa mga kinauukulan at gagawa ng paraan para mabigyang-pansin ang mga gawa ko. Kung meron lang akong alam na free writing workshop dito, tiyak paglalaanan ko ito ng oras. Ganito ako kaseryoso sa pagnanais na maging writer.
2) nakikita ko pa rin naman kasama ko ang nanay ko sa bahay, pero this time hindi na ako nanganganak...haha...merong bata akong nakikita, yung mga pamangkin ko na bumibisita sa amin..hehe...('ma, wag kang mag-alala kung ito ang nakikita ko ngayon...nagbabago naman ito)
3) hindi ko na nakikita ang sarili ko na nagta-trabaho sa Pinas. naging malabo na ito sa paningin ko. pero nakakatuwa kasi nakikita ko ang sarili ko na nagtuturo sa mga katutubo! Nakikita ko din ang sarili ko na isang private tutor. Pangarap ko kasi eversince ang maging isang respetadong guro.

Lahat ng mga nabanggit ay pinangarap ko at some point in my life. Hindi ako nagmamadali. God gave me wisdom para ma-distinguish ko ang aking mga priority sa buhay ngayon at maisakatuparan muna ang mga ito. He knows hindi pa ako handa lalu na sa sariling pagpapamilya (w/c i always think of reconsidering dahil sa pangungulit ng ilan sa mga mahal sa buhay). I don't pressure Him na ibigay sa akin ito. I'm 100% sure and confident kasi na ibibigay Niya sa akin lahat ng hilingin ko. Kaya i'm being careful bago ako humingi, lalu na ngayon nasa stage ako na pabago-bago ang mga gusto sa buhay at sa future ko. :-)

No comments:

Post a Comment