Math public teacher sa Highschool si Tita Sol. Matapang ang tingin sa kanya at kinatatakutan ng kanyang mga estudyante. Dahil sa kanya kaya naging paboritong subject ko ang Math magmula noong elementarya. Feeling ko manang-mana ako sa kanya, matalino. Isang turo lang niya, kuha ko na agad. Confident na confident ako pagdating sa Math noon. Ito lang ang tanging subject na naging excited ako tuwing may exam.
Hindi ko siya naging teacher dahil sa ibang school ako nag-aral noong hayskul. Pero kilala ako ng mga co-teachers niya. Lagi kasi akong nakasunod sa Tita ko noong bata pa ako. Isinasama niya ako sa kanilang mga field trips at iba pang lakaran. Iilan lang ang mga maswerteng bata na nakakapasyal noon sa Maynila at isa ako sa kanila.
Paborito ako ng aking Tita. Hindi ko makakalimutan noong nagdalaga ako, sa kanya nanggaling ang aking pinakaunang mga bra---Avon ang mga tatak, eh super sosyal ka na noon pag naka-Avon ka. Nag-Avon kasi ang Tita ko noon at pag may free gift siya, sigurado meron akong share. :-) Lagi din akong isinasama ng aking Tita sa panonood ng sine, kaya nahilig ako sa mga movies. Impluwensiya din niya kaya sobrang hilig kong magbasa ngayon. Noong nahilig sa cross stitch ang tita ko, nakigaya din ako. Idolo ko kasi siya. Actually, meron kaming dalawang cross stitch na magkapareho---1st, the ballerina and the 2nd, running horses. Nahiya lang ako na kopyahin lahat nang ginawa niya..hehe..Kung makikita niyo bahay ng aking Tita, para na siya Gallery dahil sa dami ng mga cross stitch niya!
Hindi ko din makakalimutan noong 18th Birthday ko. Niregaluhan ako ng shopping spree sa SM Manila ng Tita ko! Wala pang SM sa province namin noon kaya talagang feel na feel ko na very special ako kasi nag-rent pa ng driver ang Tita ko para makaluwas kami ng Maynila. Hirap kami sa buhay noon. Mag-isa lang ang nanay ko sa pagtataguyod sa aming tatlong magkakapatid, maaga kasi kaming naulila sa ama. Pero never na ipinaramdam sa akin na mahirap ang buhay.
Si Tita Sol din ang naghatid sa akin noong graduation ko sa College. Hindi kasi ako maihahatid ng nanay ko kasi wala daw mag-aasikaso sa handa at mga bisita namin. Sa Manila kasi ang graduation ko tapos sa probinsiya naman ang reception. Sabi ng nanay ko, wag daw akong malungkot kasi nag-usap na sila ng Tita ko. Ang Tita ko ang maghahatid sa graduation at ang nanay ko naman sa pagpasa sa Board Exam (May ang graduation ko at Oct pa ang Board exam nito). Ganun kabilib sa akin ang dalawang nanay sa buhay ko.
Noong nagbakasyon ako sa Pinas last May 09, umiyak ako pagkakita ko sa nanay ko at Tita ko. Sila ang sumundo sa akin. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko, sobrang pagka-miss sa kanila. Sabi ng Tita ko, wag na daw akong umiyak nandoon na daw sila at baka daw akalain pa na minaltrato ako sa Dubai.
Aminado ako na pinakapaborito ko ang Tita ko sa lahat ng mga kamag-anak namin. Siya ang may pinaka-espesyal na pasalubong sa akin. Tuwing magpapa-cargo ako sa amin, meron din siya. Ayokong isipin niya nakakalimutan ko na siya kasi never at hinding-hindi ko siya makakalimutan. Siya ang taong hindi ko kayang tanggihan. It will really break my heart pag ginawa ko ito.
Mahal na mahal ko ang Tita ko. I was lost nung ibinalita sa akin na inatake siya sa puso noong Sabado. Critical ang kanyang condition dahil pumutok ang mga ugat niya sa utak. I am in deep agony. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumilipad-lipad ang isip ko magmula noong malaman ko ito. Araw-araw akong nagpupunta sa St. Mary's Church, humihiling ng isang milagro sa Panginoon. Gusto kong magtago dahil natatakot ako. I was advised by a friend na wala daw mangyayari kung matatakot ako, kailangan ko daw ihanda ang sarili ko kung anuman ang posibleng mangyari. Tumawag ako kanina sa nanay ko. Siya ang nagbabantay sa Tita ko. Naka-life support na lang daw ang Tita ko at sinabihan na ang kanyang pamilya (asawa at limang anak) na ihanda na ang mga sarili. Nalulungkot ako. Naiiyak ako kasi ang dami kong plano para sa Tita ko sa bakasyon ko sa September. Magbabakasyon sana kami at mag-outing sa Bataan kasi doon naka-destino yung anak niyang Chief of Police. Punta din kami sana sa Subic at Zambales. Ang dami ko pang mga sana. Pero ang magagawa ko lang ngayon sa malayo ay ang magdasal.
'Ta, alam mo namang mahal na mahal kita. I'm praying na malampasan mo ito. I'm praying na sana matanggap namin kung anuman ang kagustuhan ng ating Panginoon.
Dear Lord,
Take care of my Tita Sol please. Kayo po ang may hawak sa buhay namin. Ipinapabahala po namin ito sa inyo.
Love,
tin
No comments:
Post a Comment