Ipapauna ko na, hindi ito drama. Tila nawalan ako ng panahon ngayon dahil na rin sa sobrang busy sa work. Friday lang kasi ang off ko ngaun sa aking new work. Nagkakataon pang laging me okasyon. Can you imagine fully-booked na lahat ng Fridays ko up to 2nd half of May? Isipin ko pa lang, napapagod na ako. Pero mga importante lahat kaya hindi pwedeng mag-pass.
Ilang beses sumagi sa isipan ko ang pag-uwi na ng pinas for good nung nawalan ako ng work. Pero it seems gusto pa talaga akong manatili dito dahil nagkaroon agad ako ng new work. Thank you Lord! Naalala ko pa ang aking mga sinabi kay nanay "'ma, meron na akong new work! start na ako tomorrow. matatapos ang ating bahay!" Tuwang-tuwa talaga ako nung araw na iyon dahil alam kong mawawala na din ang pag-aalala ng aking ina bunsod ng pagkakatanggal ko sa work.
I'm so proud to say na malapit ng matapos ang aming bahay! Isang sweldo na lng ang inaantay ko at pwedi na itong matirhan. Yippeee! Isang taon pang pananatili dito sa Dubai at matutupad na ang 'dream house' ko para sa aking mahal na ina! Malapit na malapit na yun. :-)
Trivia About My Mother
1) Amelia ang pangalan ng aking ina, palayaw niya ay 'birut'. matanong ko nga siya minsan kung saan nanggaling ito, di ko kasi alam hanggang ngayon. "beh" naman ang tawag sa kanya ng aking yumaong ama. galing kaya ito sa 'baby'? ang sweet ni tatay! :-)
2) lahat kaming tatlong magkakapatid ay may 'takot' sa aming ina. nakikinig kaming lahat sa kanya. actually, ganito ang hierarchy sa amin---nanay>kuya>me>bunso. hehe...pero ang nangyari hindi natutupad ang aking authority sa bunso noon, kelangan pang dumaan sa aking kuya para sumunod siya sa utos ko. palibhasa bunso kasi.
3) grade 4 lang ang natapos ng aking ina. yung teacher ko nung elementary naging teacher din ng aking nanay. alam niyo bang di daw niya makakalimutan ang aking ina dahil ang bait-bait daw nito? honor student ako nung elementary pero i doubt kung natatandaan pa ako ni teacher. :-) sana naman, may kabaitan din naman ako. hehe.
4) 14 na magkakapatid sina nanay at siya ang maswerteng napili ni lola sa kanyang pagreretiro. sa amin nakatira ngayon si lola. alam kong masaya ang aking ina. ganundin kasi ang gusto kong mangyari pagtanda ni nanay, yung makasama ko siya. :-)
5) "ang nanay mo ang pinakamabait na taong nakilala ko", sinabi ito sa akin ng aking lola sa side ng father (kapatid ng aking lolo) nung dumalaw ako sa kanila noong vacation ko last year. aba sympre, proud na proud ako bilang anak. :-)
6) konting kwento lng: enrollment ko nun sa college sa manila, full support si mother sa akin dahil first time kong mag-manila. kasama ko siya sa pagpila etc. etc. pagod na pagod kami, kelangan pa naming umuwi ng province dahil wala naman kaming matutuluyan sa maynila. di pa ako sanay mag-biyahe ng malayo noon. biyahilo pa ako noon. ang nanay ko laging handa yan, meron siya siguradong dalandan which is effective talaga sa akin. "ma, gutom na ako"...dahil ayaw naming gabihin sa daan nag-takeout na lng si mother. grabeh, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil first time kong kumain ng rice sa bus! hahaha...chicken joy meal ng jollibee! hahaha. after kumain, nakatulog ako at nung magising, nagulat ako dahil nagkaroon ng isa pang anak ang aking ina. halos kasing-edad ko ito. nahilo at nagsuka daw siya. at yung nanay ko ang nag-asikaso sa kanya. bago kami bumaba sa bus, todo-todo pasasalamat ang ibinigay nito sa aking ina. :-)
7) pasimple si mother sa pagsasabing mag-asawa na daw ako. pero kung alam lang niya pressure na pressure ako nito. 'hindi makukumpleto ang kaligayahan ko pag di ka nag-asawa'..naku, naku, unti-unti ko na siyang nire-ready. gusto kong makumpleto ang kaligayahan ng aking ina sympre pero wag namang ganun..it's unfair! hehe..peace 'ma! :-)
Hating-gabi na pala. Hanggang dito na muna ito. Sa susunod ulit. :-)
Ang mga larawan sa baba ay kuha sa Ocean Park, Hongkong noong Sept 2010. Unti-unti ko ng natutupad ang mga pangarap ko sa aking ina. Ayokong isipin na pagkatapos nito, kukulitin na naman ako ng aking ina sa kanyang pangarap naman sa akin at yun ay ang mag-asawa na ako. (problemang malaki ito considering wala pa ang aking magiging groom. haha)
presenting nanay at ang kanyang anonymous na anak :-)
congrats. maganda ito. sabagay hanap lang ng hanap libre naman ito at a matter of click lang bago. na.
ReplyDeleteAng suwerte ni mama mo kasi nandiyan ka at suwerte mo dahil nandiyan siya.
ReplyDelete@ Diamond R,
ReplyDeletesalamat. nakakatuwa nga, atleast pwedi ko nang palitan ngayon ang aking blog-layout anytime na gustuhin ko.
thanks, ganda naman ng sinabi mo.kakataba ng puso. gusto ko kasi talagang maging isang mabuting anak sa aking ina...masuklian man lang kahit papaano ang pagmamahal at sakripisyo niya..more than 8 years akong nag-stay sa manila at tuwing weekend lng umuuwi, alam mo bang bago ako lumuwas noon prepared na ng nanay ko ang aking breakfast, may pabaon pa yan na pang-lunch, tapos may mainit na tubig na panligo dahil sobrang lamig...at ni isang beses hindi man lang siya pumalya o nagsawa. :-)