Thursday, April 14, 2011

Maling Akala

"Mga numerong sinungaling at masasama ang ugali ng mga Egyptian", sabi ito ni manong na mahigit 20 years na naninirahan sa Dubai. Sa katunayan, makikita pa nga daw ito sa Bibliya. Naalala ko, tinanong ko pa si manong kung anong eksaktong verse ito sa bible. Hindi daw niya memorize. hehehe...

I know it's wrong to judge people pero pag sa kwentuhan at nabanggit ang mga Egyptian, sigurado babanggitin ko ang sinabi ni manong tungkol sa kanila. Naging judgemental na ako sa kanila. I was bad. Di na po mauulit.

Mixed ang nationality ng mga nasa Finance Dept sa bago kong work. Nakatawag ng pansin ko ang isang Arab National dahil sa galing at bilis niya sa pagdating sa Excel! Noon lng ako nakakita ng taong hindi gumagamit ng mouse! (**dependent kasi ako sa mouse**) And impressive kung paano siya magtrabaho. Hindi kagaya ng ibang Arab national na mga pang-display lang sa workforce.

Naikwento ko ito sa kaibigan ko. Tinanong niya ako kung anong nationality nito. Hindi ko naman ma-determine base sa kanyang itsura. Nahihiya naman akong magtanong. Assignment ko daw ito. hehe..

By the way, sa isang work station lang kami naka-assigned ni Arab national. Mahilig itong kumanta. Kahapon, kinakanta niya ang "Pilipino!Pilipino!" Bebot ng Black Eyed Peas. Sabi ko si apl de ap ay isang Filipino. Tinanong siya nung isang pinoy na ofismeyts din namin kung alam niya ang kantang 'Pyramid' dahil pinoy din ang kumanta nun.

Ang alam daw niya ang pyramid ay matatagpuan sa kanila. Gotcha! Isa pala siyang Egyptian! Dahil sa kanya, nabago ang mga maling impression ko sa mga lahi nila.

Ang theme song namin sa room namin ay "feels like insomnia"...lagi kasi niya itong kinakanta with matching translation in Arabic! hahaha....."mafinum" ang ibig sabihin daw ng di makatulog. :-)

Gusto ko din ang kantang 'insomnia' pero antok na antok na ako ngayon. Alas-dose na ng gabi dito. Matutulog na ako. Gudnyt! :-)

5 comments:

  1. kelangan mo ng tutor sa excel???

    pwede akong magpabayad...
    walang mouse...
    lolz!!!

    ikaw na ang magpresyo kung magkano per hour :)

    mafi num! :)

    ReplyDelete
  2. @ azel,
    oo, kelangan ko ng tutor sa excel! pero baka di ko ma-afford rate mo! hehe....grabeh naging instant admirer ako ni Egyptian...as in hindi siya gumagamit ng mouse! napabilib niya ako talaga. nakikinita ko na ang sarili ko sa mga susunod na araw, hindi na rin ako gagamit ng mouse! hahaha....

    mafi num! (oo nga pala mafi means wala sa Arabic) :-)

    ReplyDelete
  3. haha. lol naman. so trinanslate talaga niya lahat2x ng words sa kantang insomnia? haha

    sa excel, ako di ko alam. pareho kasi akong dependent sa mouse at sa keyboard. haha

    ReplyDelete
  4. hahaha..nag enjoy ako sa blog mo..anyway, walang egyptian national dito sa company namin, lahat Saudi...pero may mga kakilala na akong mga egyptian, katulad din natin may masama at sinungaling. Ayaw ko lang sa kanila masakit sila magbiro, physically..hehe

    ReplyDelete
  5. @ kristian,
    oo, ni-translate niya lahat sa Arabic! pero mafi num lang ang natatandaan ko. hahaha..di ako marunong mag-Arabic eh. 'mafi malum arabic' :-)
    yun ang napansin ko sa bago kong work..halos lahat sila magagaling sa excel! nakaka-enjoy din ang madaming natututunan.

    @ Akoni,
    salamat naman at may nag-enjoy sa aking blog. hehehe...akala ko, ako lng ang nag-eenjoy eh. :-)

    dati, takot talaga ako at ilag sa mga Egyptian..mga traidor at kung anu-ano pa daw sila...pero tama ka kagaya din natin sila...merong masama at mabuti...buti na lng at meron akong nakilalang kagaya ng kaopisina ko..as in super kwela siya! siya ang aming pampaalis stress! :-)

    ReplyDelete