Nagkita-kita kami ng aking mga highschool classmates two weeks ago, 5 kaming nandito sa Dubai. Bumisita kasi ang isa naming kaklase dito at nag-ayang magkaroon kami ng mini-reunion. Napag-usapan namin ang gaganapin na grand reunion ng aming batch sa year 2012! Hindi lang ang section namin ang punong-abala ngayon. 10 sections lahat kami at sa tulong ng FB malapit ng makumpleto ang bawat section. ito ang magiging first-ever grand reunion ng buong batch '97 kaalinsabay ng aming ika-15th anniversary . Di pa ako confirm kung makaka-attend ako pero gusto kong makapunta sympre. Masaya ito for sure. :-)
Pero saglit, patalastas lang yan. Napaisip lang ako sa naging desisyon ng aking kaklase/kaibigan. Ang kanyang message sa amin, "friendships, i'm going home. nasa airport na ako. i'm leaving dubai, hindi ko na kaya sa office." huh?!! lahat kami nabigla dahil wala kaming clue kung anong nangyari. wala ding nabanggit ito nung magkita-kita kami. ang saya-saya pa nga namin.
nung naghahanap ako ng work, isa siya sa mga masugid na tagahanap ko ng pag-aaplayan. kaya naman laking tuwa niya ng makahanap na ako ng work. tapos biglang ngayon, inunahan pa niya ako ng pag-uwi ng pinas! whatever her reasons, nirerespeto ko ito. i wish her all the best! as of this writing, wala pang reply from her. although meron akong hint/hunch na siya ay lalagay na sa tahimik. wala na akong ibang maisip pa na dahilan. :-)
walang kinalaman ang puzzle sa pic, gusto ko lng i-upload ito. hehe.
isa sa mga pinagkaabalahanan namin ni jo nung wala akong work
pero sumuko kami dahil ang hirap mag-isip at magbilang! hahaha. :-)
nagkita kita na rin kami sa fb nung mga batchmates ko nung hiskul, halos 300+ na :D ang saya lang...
ReplyDeleteSwerte naman ng friend mo...ganyan ako pag may uuwi na for good sa mga kakilala ko, sabi ko sa sarili ko, sana ako rin may lakas ng loob para umuwi na ng pinas at dun na mamalage kasama mga anak ko, pero hindi pwede...dami gastusin
@ LordCM,
ReplyDelete200+ na ang nahahanap naman sa aming batch. di ako masyadong active pero nag-pledge ako ng participation via Dubai sa aming coordinator. ako ang gagawa ng AVP presentation ng mga before & after pics/scenarios ng bawat section (actually ipapagawa ko lng ito sa kaibigan ko dahil di naman ako marunong, sa akin lng yung concept...hehe)sana maging successful ito. nakaka-excite nga eh...:-) sana maka-attend ako.
ako, natanggap ko na na gusto pa talaga akong manatili sa dubai. kaya ko pa naman...tsaka nasa stage ako ngayon na pwedi akong mag-stay or umuwi na sa pinas. kung sakaling magkakaroon ako ng sariling pamilya at sa pinas niya gusto, ganundin siguro ang gagawin ko. basta dapat magkasama kami. willing na willing akong mag-adjust. naks! as if meron! hehe.. :-)
i can imagine yung kagustuhan mong makasama mo na ang pamilya at mga anak mo. ako ngang single, homesick pa rin kung minsan..paano ka pa..tiis-tiis pa ng unti, para sa kanila naman ang ginagawa natin. pasasaan ba't magkakasama rin kayo...babalikan mo ang ginawa mong pagsasakripisyo at sasabihin sa sarili---it's all worth it. :-)