Hindi sila talaga magkakilala. Although familiar ang mga mukha nila sa isa't isa, hi and hello lang sila tuwing magkakasalubong. Until one time, nagkaroon sila ng pagkakataon na magka-kwentuhan. From then, somehow nagkaroon sila ng connection sa isa't isa. Napadalas ang kanilang kwentuhan. Naging close sila. Hanggang sa dumating ang araw na hinahanap na nila ang presence ng isa't isa.
Lumipas ang ilang buwan, nagtapat ng kanyang damdamin ang lalaki sa babae. Wala sanang problema dahil 'gusto' naman ni babae si lalaki. Yun nga lang, she needs time dahil hindi biro ang pumasok sa isang relasyon. Nag-aantay din siya ng sign kung siya na ba ang kanyang inaantay at ipinagdarasal.
After ng ilan pang buwan, nagbakasyon si babae sa kanyang bayang sinilangan. Sa isip niya "if it's meant to be, it's meant to be". Ayaw niyang magmadali.
Pagkabalik niya ng bakasyon, buo na ang isip niya "she can give love a chance". One week ang lumipas, nagtaka siya dahil hindi pa ito nagpaparamdam sa kanya. Nabanggit ng isang kaibigan nito na madalas na itong maglagi sa isang kaibigan magmula ng magbakasyon ang babae.
After few weeks, she got the biggest shock of her life. Nagkita sila ulit ng lalaki at may kasama itong iba (now his wife already). Ipinakilala ito sa kanya by name lang without any description kung gf or wife. Hindi alam ng babae kung paano mag-react sa harap nila. Pero first reaction niya inside, is natawa siya. Gusto niyang umiyak pero di matuluy-tuloy. hehe. Gusto niyang mag-drama dahil tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana.
Currently, nakikita pa rin ni babae ang lalaki. Sa wari niya'y, masaya naman ito sa piling ng kanyang asawa. Ok na sa kanya yun. And finally, nasagot na rin ang kanyang tanong--- "no, he's not the one for you." :-)
story mo ito no?
ReplyDeletehindi nga sya para sayo ^^
@ Istambay,
ReplyDeletehahaha..akala ko lusot na ako sa istoryang ito.
hindi pa kayang magpakilala nung may story nito Istambay. ninamnam pa niya ang sakit na dulot nito. hehe...pero tama ka, hindi sya ang para sa kanya.