Mabilisang blog lang muna ito kagaya ng mabilisang paglipat ko ng bahay kahapon. Backpack lang at laptop ang dinala ko muna. Enewei, hanggang august pa naman talaga ako sa muteena. Pero dito na ako natutulog sa mirdiff.
Ang mga reason ko noon kung bakit malabo akong tumira sa Mirdiff:
1) malayo sa aking workplace. more than 1 hour ang byahe pag mag-commute. may pagka-byahilo ako pag nagco-commute.
2) nasanay na ako sa buahy muteena ko. malapit sa mall, nilalakad ko lang pag gusto kong magliwaliw sa tabi-tabi. malapit sa mga kaibigan/ofismeyts ko from past & present companies. pweding-pwede akong gumala kahit super late na ang uwi ko from ofis.
3) hindi ko maiwan ang mga kasama ko. for almost six years, sila ang naging pamilya ko dito sa Dubai. ang dami ng dumating at umalis sa bahay namin pero nananatili kaming matatag. forever muteena ang drama namin. (to tita fan, tita welsch & ate racquel, i will miss u! thank u for the understanding)
Why I decided to live in Mirdiff now?
1) gusto kong samahan ang aking kaibigan si ivy. maselan ang kanyang pagbubuntis tapos mag-isa siya ngayon dahil laging business trip si ryan. nasa pinas naman ang aking inaanak na si miguel.
2) i might be leaving dubai for good next year, medyo matagal kaming magkikita ulit ni ivy kaya magandang opportunity ito sa amin para makapag-bonding everyday. hehe...
3) walang kapantay ang kabutihan nina ivy & ryan sa akin. di ko ito matatawaran. para talaga akong 'tunay na anak' sa pamilya nila.
4) nakakaramdam na ako ng lungkot sa muteena. hindi na ito kagaya ng dati.
No comments:
Post a Comment