Bakit kaya ganun? Kung minsan nakikita ko ang mga URL ng nag-view sa akin, kung minsan hindi. Naalala ko tuloy nung kasagsagan kong adik sa pagba-blog hopping. Baka hindi lang 100 pageviews ang nagagawa ko lalo na sa mga sinusubaybayan kong blog. Para na nga akong stalker noon. :-)
Haist salamat. Back to normal na ang number of pageview ko ngayon. Normal sa blog ko ang walang pageview. hahaha. Lucky day ko na pag merong isa. Hahaha.
I'm thinking paano ko kaya maisasakatuparan ang plano kong grand EB dito sa Dubai bago man lang ako lumisan next year? Nawalan ako ng koneksyon sa blogging world. Madalang na din akong magliwaliw. No wonder, wala ding pagala-gala dito sa blog ko.
Cia, kelangan kong pag-isipan ng mabuti kung anong mga hakbang ang kelangan kong gawin para matuloy ang balaking ito. Sana talaga mangyari ito.
No comments:
Post a Comment