Saturday, July 28, 2012

Uwi Mode

Kung hindi na-postpone ang aking bakasyon, nasa Pinas na sana ako ngayon. For sure, hindi na ako magkandaugaga. Pero dahil nasa Dubai pa ako, eto ako ngayon hindi makatulog. Uwing-uwi na ako! Inasikaso ko kanina ang aking pa-cargo for this year. 2 jumbo boxes ang ipapadala ko dahil ipapadala ko na din ang aking mga lumang kagamitan dito. this is also in preparation para sa settlement ko next year.

Hindi pa confirm ang date ng aking bakasyon. Pero malamang sa Oct or Nov 2012 ito. Malapit na din naman pala. :-)

Mabilis lang ang bakasyon ko so kelangan mamaximize ko talaga ang time ko. Medyo nakakaramdam na ako ng lungkot knowing na eto na ang last vacation ko sa Pinas. Matagal-tagal pa akong makakauwi sa aking Bayang Sinilangan. :-(

Ang plano kong repatriation next year ay pansamantala munang maisasantabi para bigyang-daan ang matagal ko ng inantay, pinaghirapan at ipinagdasal. I will be migrating to another country in April 2013 (or earlier) . Although walang kasiguruhan kung ano ang magiging buhay ko doon, i'm willing to take a risk. Right timing kasi feeling ko, natapos ko na ang mission ko dito sa Dubai. Okay na okay na sa akin ang almost 7 years ko na pagtata-trabaho dito. 

As early as last year, kinokondisyon ko na ang sarili ko for leaving dubai. And i think successful naman ako. Ready to go na ako. Madami din naman akong mami-miss dito. Numero uno na dito ang mga kaibigan at kaopisina ko sympre. Pero kelangan at gusto ko talagang gawin ito.

Btw, hindi pa ito pamamaalam ah (kwentong kutsero pa lang ito.lol). Madami pa akong kelangan tapusin bago umalis. Nag-agree kami sa ofis na tapusin ko muna ang 2012 audit namin bago ako mag-resign (expected to be mid-march of 2013).

July 2012 pa lang ngayon. Mahaba-habang pamamaalam ito..hehe...Naku naku pag naayos ko na ang bakasyon ko, ang mga commitments ko naman dito sa Dubai ang aasikasuhin ko kasama dito ang pag-attend ng isang grand EB..hehe..(o kaya naman ang pag-organize ng isang EB. :-))...naks! pag nagawa ko ito, pati ako mabibilib na ako sa sarili ko. hehe...mukhang totoo ang tsismis na isa akong daredevil. :-)

Question:
Kung ikaw ay blogger na taga-UAE at sakaling maka-receive ng invite from another blogger para sa isang grand EB, pupunta ka ba? Kung ako kasi ito, YES! pupunta ako. :-)


No comments:

Post a Comment