Pasakalye: Ramadan na naman, nag-Iftar kami kanina treat ng aming boss. Kakarating ko lang sa haws namin (11:15pm). After ng aming Iftar, nagkayayaan pang mag-Starbucks. Since taga-probinsiya na ako ngaun, nagpaalam na ako sa aking mga ofismeyts na mauna na ako. May pasok pa kami bukas at ayokong masyadong magpagabi sa daan. Hindi na ito kagaya nung nakatira pa ako sa siyudad, kahit anong oras pwede akong umuwi. Ok, enough of my pasakalye. hehe...While waiting for the bus kanina, naisip ko na pagdating sa haws magba-blog ako tonite then out of nowhere naisip kong Baliw-Baliwan ulit ang title nito.
Time check - 12am na! I need to sleep now pero nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong makapag-post ako.
Paano ko nga ba sisimulan ito?
Bakit kay hirap isatitik ang nais sabihin sa'yo?
Pwede bang just for now di na ako paligoy-ligoy pa?
Malalim na ang gabi at kelangang matulog na.
Napabuntung-hininga at napangiti
Mga sinasabi'y tila salita na ng lasing
Aminado akong hindi ko ito forte
Ngunit kelan ko pa ito gagawin?
Kapag malayo na ako at di mo na maririnig ito?
Kapag nawalan na ako ng pagkakataon?
Kapag huli na ang lahat?
Kapag naglaho na lang lahat ng nararamdaman ko?
Honestly, nahihirapan na ako
Kung ito'y English, nagdurugo na ilong ko
Kaya sana naman 'gets' mo na ito
O kelangan pa ba talagang sabihin na mahalaga ka sa buhay ko
No comments:
Post a Comment