Last week nag-chat kami ng nanay ko. kasama niya ang aking pamangkin na si kobe (son of my youngest brother). nasa kasagsagan kami ng pagku-kwentuhan ng biglang lumapit si kobe sa kanyang lola. gusto daw niya akong kausapin. binigay ni lola niya ang headset sa kanya.
kobe: hello tita. musta ka na dyan? ako mabuti.
ako: okay naman ako. musta na ang schooling?
kobe: ok naman tita. meron akong nakuhang 3 stars
ako: wow! very good! kobs, nabili ko na pala yung googles at lifevest na pinapabili mo
kobe: thank u tita. tita, bili mo pala ako ng scooter. yung Ben10.
ako: cge, titingin ako dito. bsta pag-uwi ni tita meron kng scooter.
kobe: yehey! tita, nabibili yun dito sa SM
ako: cge tingnan ko, pag wala dito sa SM tayo bibili pagdating ko dyan sa Oct.
kobe: tita, kasama mo si daddy dyan?
ako: hindi...di ba nasa barko si daddy? pero sabay kaming uuwi ni daddy mo tapos punta tayo SM
at bibilhin natin ang scooter mo.
kobe: tita....
ako: bakit?
kobe: tita, ang saya saya ko.. :-)
ako: (speechless for seconds sa sinabi ng aking pamangkin) :-)
Scene 2:
This week lang, chat ulit kami ng nanay ko. Sympre kasama na naman ang kanyang apong si kobe. nope, hindi sumingit si kobe ngaun dahil busy siya at kalaro niya ang kanyang mga ate at kuya (si harold & gail, anak naman ng aking kuya). Pero may anecdote naman ang aking nanay tungkol sa kanya.
Nagsimba daw silang dalawa ni kobe. Sa loob ng simbahan.
kobe: lola, gusto kong mag-pari paglaki ko.
lola: cge, dapat makikinig ka sa sermon ng pari.
kobe: opo lola, nakikinig ako
After mass, kasama ng mga lolang kapit-bahay namin palabas ng simbahan
kobe: dapat lola, nagsisimba tayo. magpasalamat tayo kay Jesus kasi hindi tayo binaha.
kapit-bahay na lola: tingnan mo naman ang apo mo, ang liit-liit pa, alam ng sabihin yon.
(tama naman si kobe, lahat ng mga baryo na nakapaligid sa amin ay binaha except yung barangay namin)
| Si Kobe Genesis , ang aking pamangkin :-) |
No comments:
Post a Comment