Monday, April 25, 2011

Ang Aking Inspirasyon

Ipapauna ko na, hindi ito drama. Tila nawalan ako ng panahon ngayon dahil na rin sa sobrang busy sa work. Friday lang kasi ang off ko ngaun sa aking new work. Nagkakataon pang laging me okasyon. Can you imagine fully-booked na lahat ng Fridays ko up to 2nd half of May? Isipin ko pa lang, napapagod na ako. Pero mga importante lahat kaya hindi pwedeng mag-pass.

Ilang beses sumagi sa isipan ko ang pag-uwi na ng pinas for good nung nawalan ako ng work. Pero it seems gusto pa talaga akong manatili dito dahil nagkaroon agad ako ng new work. Thank you Lord! Naalala ko pa ang aking mga sinabi kay nanay "'ma, meron na akong new work! start na ako tomorrow. matatapos ang ating bahay!" Tuwang-tuwa talaga ako nung araw na iyon dahil alam kong mawawala na din ang pag-aalala ng aking ina bunsod ng pagkakatanggal ko sa work.

I'm so proud to say na malapit ng matapos ang aming bahay! Isang sweldo na lng ang inaantay ko at pwedi na itong matirhan. Yippeee! Isang taon pang pananatili dito sa Dubai at matutupad na ang 'dream house' ko para sa aking mahal na ina! Malapit na malapit na yun. :-)


Trivia About My Mother
1) Amelia ang pangalan ng aking ina, palayaw niya ay 'birut'. matanong ko nga siya minsan kung saan nanggaling ito, di ko kasi alam hanggang ngayon. "beh" naman ang tawag sa kanya ng aking yumaong ama. galing kaya ito sa 'baby'? ang sweet ni tatay! :-)
2) lahat kaming tatlong magkakapatid ay may 'takot' sa aming ina. nakikinig kaming lahat sa kanya. actually, ganito ang hierarchy sa amin---nanay>kuya>me>bunso. hehe...pero ang nangyari hindi natutupad ang aking authority sa bunso noon, kelangan pang dumaan sa aking kuya para sumunod siya sa utos ko. palibhasa bunso kasi.
3) grade 4 lang ang natapos ng aking ina. yung teacher ko nung elementary naging teacher din ng aking nanay. alam niyo bang di daw niya makakalimutan ang aking ina dahil ang bait-bait daw nito? honor student ako nung elementary pero i doubt kung natatandaan pa ako ni teacher. :-) sana naman, may kabaitan din naman ako. hehe.
4) 14 na magkakapatid sina nanay at siya ang maswerteng napili ni lola sa kanyang pagreretiro. sa amin nakatira ngayon si lola. alam kong masaya ang aking ina. ganundin kasi ang gusto kong mangyari pagtanda ni nanay, yung makasama ko siya. :-)
5) "ang nanay mo ang pinakamabait na taong nakilala ko", sinabi ito sa akin ng aking lola sa side ng father (kapatid ng aking lolo) nung dumalaw ako sa kanila noong vacation ko last year. aba sympre, proud na proud ako bilang anak. :-)
6) konting kwento lng: enrollment ko nun sa college sa manila, full support si mother sa akin dahil first time kong mag-manila. kasama ko siya sa pagpila etc. etc. pagod na pagod kami, kelangan pa naming umuwi ng province dahil wala naman kaming matutuluyan sa maynila. di pa ako sanay mag-biyahe ng malayo noon. biyahilo pa ako noon. ang nanay ko laging handa yan, meron siya siguradong dalandan which is effective talaga sa akin. "ma, gutom na ako"...dahil ayaw naming gabihin sa daan nag-takeout na lng si mother. grabeh, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil first time kong kumain ng rice sa bus! hahaha...chicken joy meal ng jollibee! hahaha. after kumain, nakatulog ako at nung magising, nagulat ako dahil nagkaroon ng isa pang anak ang aking ina. halos kasing-edad ko ito. nahilo at nagsuka daw siya. at yung nanay ko ang nag-asikaso sa kanya. bago kami bumaba sa bus, todo-todo pasasalamat ang ibinigay nito sa aking ina. :-)
7) pasimple si mother sa pagsasabing mag-asawa na daw ako. pero kung alam lang niya pressure na pressure ako nito. 'hindi makukumpleto ang kaligayahan ko pag di ka nag-asawa'..naku, naku, unti-unti ko na siyang nire-ready. gusto kong makumpleto ang kaligayahan ng aking ina sympre pero wag namang ganun..it's unfair! hehe..peace 'ma! :-)

Hating-gabi na pala. Hanggang dito na muna ito. Sa susunod ulit. :-)



Ang mga larawan sa baba ay kuha sa Ocean Park, Hongkong noong Sept 2010. Unti-unti ko ng natutupad ang mga pangarap ko sa aking ina. Ayokong isipin na pagkatapos nito, kukulitin na naman ako ng aking ina sa kanyang pangarap naman sa akin at yun ay ang mag-asawa na ako. (problemang malaki ito considering wala pa ang aking magiging groom. haha)





presenting nanay at ang kanyang anonymous na anak :-)




p.s. marunong na akong magpalit ng blog template. yipppeee! di pa ito ang final, hahanap pa ako ng iba. (thank you, SM!) :-)

Saturday, April 23, 2011

He is Risen!

"He is not here: for he is risen, as he said. Come here and see the place where he was lying. Go quickly now, and tell his disciples that he is risen from the dead; and now he is going to Galilee ahead of you; there you will see him! Remember what I have told you" So they left the tomb in a hurry, afraid and yet filled with joy, and ran to tell his disciples. Suddenly Jesus met them and said, "Peace be with you". They came up to him, took hold of his feet and worshipped him. "Do not be afraid", Jesus said to them. "Go tell my brothers to go to Galilee, and there they will see me."
-- Matthew 28: 6-10



LET'S REJOICE & PROCLAIM THE GOOD NEWS OF THE LORD!!! INDEED, HE IS RISEN!!! HAPPY EASTER TO ALL! :-)


Dear Lord,
Thank you for loving me unconditionally. Thank you for being with me through all these years. You just never get tired of me (sa aking mga pangungulit at pagkukulang). You love me so much and I love it! :-) I want you to know that I love you too! I am submitting my life to you. I am all yours.
I want to be your follower. I want to please you. I want to serve you. You know my heart desires. Lord, let them be revealed. For Thy will be done. Amen.

love,
tin




Monday, April 18, 2011

Pagninilay-nilay Ngayong Mahal na Araw

"For God so loved the world, that he gave his only Son,
that whoever believes in him shall not perish but have eternal life."
John 3:16



Dear Jesus,

Nais ko pong sabihin na hinding-hindi ko po kakalimutan ang Inyong pagsasakripisyong ginawa para sa aming kaligtasan.

Gusto ko pong suklian ito. Gusto ko pong maging isang mabuting anak Ninyo. Gusto ko pong Kayo ang maging sentro ng aking buhay.

Make me your follower. Gawin nyo po akong isang mabuting Kristiyano---sa isip, sa salita at sa gawa. Maging instrumento po sana ako sa pagpapakalat ng Mabuting Balita ng Diyos.

Amen.

Nagmamahal,
tin






Saturday, April 16, 2011

Catch Me...I'm In Love!

Oooppss saglit, wala pa akong lovelife. Pelikula ito nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Palabas na ito dito sa Dubai from Apr 16-20. Kanina nga ay pinanood namin ito ng aking kaibigan.

Highly recommended ko ito sa mga gustong mainlab at kiligin. Feel good movie at 100% kakakilig. Hanggang ngayon nga ay kinikilig pa akong mag-isa sa mga eksena..hahaha...Mukhang mananaginip ako ngayong gabi..hehe....mahal ko na si gerald anderson! panalo para sa akin ang movie na ito! Kaya nood na! :-)



our movie tickets :-)
thank you SM! super nag-enjoy ako!

Thursday, April 14, 2011

Maling Akala

"Mga numerong sinungaling at masasama ang ugali ng mga Egyptian", sabi ito ni manong na mahigit 20 years na naninirahan sa Dubai. Sa katunayan, makikita pa nga daw ito sa Bibliya. Naalala ko, tinanong ko pa si manong kung anong eksaktong verse ito sa bible. Hindi daw niya memorize. hehehe...

I know it's wrong to judge people pero pag sa kwentuhan at nabanggit ang mga Egyptian, sigurado babanggitin ko ang sinabi ni manong tungkol sa kanila. Naging judgemental na ako sa kanila. I was bad. Di na po mauulit.

Mixed ang nationality ng mga nasa Finance Dept sa bago kong work. Nakatawag ng pansin ko ang isang Arab National dahil sa galing at bilis niya sa pagdating sa Excel! Noon lng ako nakakita ng taong hindi gumagamit ng mouse! (**dependent kasi ako sa mouse**) And impressive kung paano siya magtrabaho. Hindi kagaya ng ibang Arab national na mga pang-display lang sa workforce.

Naikwento ko ito sa kaibigan ko. Tinanong niya ako kung anong nationality nito. Hindi ko naman ma-determine base sa kanyang itsura. Nahihiya naman akong magtanong. Assignment ko daw ito. hehe..

By the way, sa isang work station lang kami naka-assigned ni Arab national. Mahilig itong kumanta. Kahapon, kinakanta niya ang "Pilipino!Pilipino!" Bebot ng Black Eyed Peas. Sabi ko si apl de ap ay isang Filipino. Tinanong siya nung isang pinoy na ofismeyts din namin kung alam niya ang kantang 'Pyramid' dahil pinoy din ang kumanta nun.

Ang alam daw niya ang pyramid ay matatagpuan sa kanila. Gotcha! Isa pala siyang Egyptian! Dahil sa kanya, nabago ang mga maling impression ko sa mga lahi nila.

Ang theme song namin sa room namin ay "feels like insomnia"...lagi kasi niya itong kinakanta with matching translation in Arabic! hahaha....."mafinum" ang ibig sabihin daw ng di makatulog. :-)

Gusto ko din ang kantang 'insomnia' pero antok na antok na ako ngayon. Alas-dose na ng gabi dito. Matutulog na ako. Gudnyt! :-)

Friday, April 8, 2011

Happy @ 30 :-)

Sobrang busy ako ngayon sa bago kong work. Lagi kaming overtime dahil saktong month-end closing nung pumasok ako. At the same time nangangapa-ngapa pa dahil bago. Nag-eenjoy naman ako kasi feel na feel ko ang pagiging accountant ngayon. Ang dami ko ding natutunan sa mga kasama ko. "I'm having the time of my life", sabi ko nga when it comes to my career. :-)

12:37 na ng madaling-araw (14 Apr 2011) habang sinusulat ko ito. Gusto ko ng matapos itong blogpost ko for my birthday para makapag-move on na ako. hehe.

***drama mode ako ng unti noong birthday ko dahil wala pa akong work noon. pero grabeh ang love ng aking family and friends..ramdam na ramdam ko talaga ito....nabanggit ko nga sa kanila "nawalan lng ako ng work, yun lng ang nagbago..pero yung friendships namin hindi magbabago."...ang aga kong nagsimba nung araw na iyon..nagpasalamat for the gift of life..nangulit na din sa Kanya na sana magka-work na ako kung gusto pa niya akong mag-stay sa dubai...isa ito sa mga birthday wishes ko. And natupad na agad! thank you, Lord! love na love mo talaga ako. love you too.! (for the rest of my wishes, di naman po ako nagmamadali...alam kong ibibigay mo ang mga ito sa tamang panahon)***



My Birthday Cakes @ 30

@ our Room in Dubai
thank you ate TA (roommate)


also @ our Room in Dubai
special thanks to my cousin, AB


@ Dubai Mall...hmmm..caramel cheesecake :-)
thanks to my friends from previous company

@ Jo's house
thank you friend for this special homemade cheesecake
halatang-halata na adik tayo sa cheesecake! :-)

Tuesday, April 5, 2011

Right Timing

I'm back! Grabeh, na-miss kong mag-blog. Hindi ko na nga alam kung paano ko uumpisahan ito. I'm so happy as in super happy today. Naikalat ko na nga sa pamilya at mga kaibigan ko ito. Aba sympre, gusto ko ding i-share ang kasiyahan ko dito. :-)

Di na ako magpaliguy-ligoy pa, meron na akong new work! Yippeee! 1st day ko na tomorrow!!!!!
Wala lang, masaya lang talaga ako. Thank you, Lord. I know hinding-hindi mo ako pababayaan. :-)

Trivia:
1) Bukas (Apr 6) ang official last day ko sa aming kumpanya. pero bukas din ang starting day ko sa new work ko! (technically, parang hindi ako nawalan ng work) :-)
2) Yung papasukan kong company tomorrow is same company na in-applayan ko more than a year ago. i was all set na lumipat noon pero hindi natuloy for some reasons. (nakapagpaalam na nga ako noon sa gm ko)..grabeh! talking about right timing. :-)