Thursday, April 26, 2012

Starbucks

Pasakalye: Weeehh, bago na ang itsura ng blogger ngayon. Naalarma ako ng unti kasi medyo natagalan ako bago ko nakita kung saan ang new post. hehe. Enewei, i'm back again. I know ni-promise ko earlier na may iba-blog akong true-to-life na tragic comedy love story. ipagpapaliban ko muna ito. di ko pa kayang ikwento. di ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa nangyari. hehe..In the meantime, share ko muna ang mga nangyaring meet-ups ko with my friends sa Starbucks, Al Ghurair. :-)

Btw, i'm not a coffee-lover. Nagkataon lang na sa Starbucks ang aming meeting place. I remember my bestfriend in college, super favourite niya ang coffee. From dusk till dawn, kape ang kanyang kasama! Coffee na yata ang dugong dumadaloy sa kanya. haha. Peace MC! Miss you! :-)

I can't concentrate sa aking sinusulat ngayon. Ilang oras na lang darating na ang aking kuya. Actually, dapat andito na siya. Delayed ang flight ng Cathay Pacific. Ang aga-aga kong nagising at nagpunta kanina sa airport, only to find out na delayed ito. Nag-leave pa ako today. Anyway, okay lang po basta safe na makarating dito ang kuya ko.

Excited na ako! Lahat daw ng bagahe ng kuya ko, padala para sa akin. hahaha! Mamaya-maya lang, makikita ko na ang mga ito. hehe.

Mag-blog na lang ako ng separate about it ah. Tapusin ko muna ito. Baka kung saan-saan ako makarating. :-)




02 April 2012 Monday
with Annie :-)

para kaming adik ni annie dito!
may dala-dala siyang 2 whole cakes para sa aming dalawa.
weeehhh, buti na lang di ako nagda-diet pa. :-)

from L to R - me and annie :-)
annie, kelangan na nating mag-diet pala! hahaha.
tingnan mo ang kuha natin! puro bilbil na tayo! :-)
















21 April 2012 Saturday
with my highschool classmates :-)

di sila ang original barkada ko in highschool.
actually, ako lang ang hindi nila original barkada noong highschool. :-)
pero naging super close kami nung 1st reunion namin
dahil kasama ako sa mga organizer nito.
by the way, sa Dec 2012 ang grand reunion ng aming batch!
i don't think i can attend, malabo ang Dec na bakasyon this yr.
tsk.tsk. sayang meron pa naman daw na 'It's a Date!' game
para sa mga single ladies. hahaha :-)




moment ko daw ito sabi ng aking mga klasmeyts!
i agree, nakuha ang aking anggulo.
considering stolen shot pa ito! :-)


ang aking mga kaklase :-)



26 April 2012 Thursday
with my long-lost friend SM :-)

super tagal na naming di nagkita ni SM nito!
madami daw siyang pinagkakaabalahan.
pati nga bday ko naindyan!
(count me out kung meron kang party sa bday mo)
makaganti man lang. :-)



ok, erase. erase.  i wouldn't want to miss it! pupunta ako
kahit di pa ako invited or kahit walang party. haha.
maiba ako, ang sarap ng cheesecake!
thank u friend! thank u sa time! na miss kita sobra!





btw, wala palang pic si SM. camera-shy? di siguro.
thank u ulit SM! sa uulitin ulit, ako naman ang taya! :-)

Wednesday, April 18, 2012

Restart

gosh! it's been a long time since my last post. super busy. ang dami kong na miss na isulat.

Dumaan ang mga ito:
1) ang aking 31st birthday last march 31 (w/c for the very first time nag-invite ako ng aking mga kaibigan (other than the usual casts) dito sa haws to celebrate).
2) mahal na araw (we got to do the traditional visita iglesia, first time din naming gawin ito. nabisita namin ang 7 churches at nag-station of the cross. pramis namin na gagawin na ito every year kahit nasaan man kami)
3) easter sunday (OA na ako pag sinabi kong first time ko din ito..hehe...nagsimba ako ng early morning nito then diretso sa ofis...tawag sa pinas..text ng mga greetings...bowling practice naman kami after ofis in preparation sa nalalapit na bowling tournament ng aming company)

And today:
1) our UK trip plan in July 2012 is officially cancelled. got the refusal letter from visa office today. the officer states that since i do not appear to have anyone who is dependent upon me in either the UAE or Philippines, he consider my ties to both countries to be limited. Hence, he is not satisfied that only a short visit is intended. Ok lng sa akin ito, ayaw talaga akong pagastusin. hehe..tsaka nauna nang na-refused ang mga kasama ko, ang reason naman nila is buong family magkakasama kaya baka di rin sila bumalik. anyway, yun nga yun. excited na pa naman ang mga pupuntahan namin. pero that's life. UK is not for me.sabi ko nga, makapag-ukay ukay na lang muna. hehe.
2) UK is out. who's in? malaysia or thailand ang aking pinagpipilian if ever uuwi ako ng pinas this july 2012. pinag-iisipan ko pa ito dahil expense ko ang ticket ko ngayon (in-advance na kasi ito last dec vacation ko).
3) visit visa ulit si kuya ko dito sa dubai. pina-courier na namin kanina ang visa niya. end of april andito na siya. hmmmm, sana madami akong pasalubong. hehe.


Haaay, salamat at naka-blog na ulit ako. i'm afraid baka makalimutan ko ito. hehe. Tama na muna ito. Bukas, meron akong nakakatawang true-to-life na kwento---a tragic comedy love story. :-)


Thursday, March 15, 2012

My Big Thanks!

Dear Lord,
Thank you sa good news na aking natanggap today!
Minsan pa napatunayan ko kung gaano mo ako kamahal.
I feel so blessed and loved :-)
Maraming-maraming salamat po.

love,
tin



image courtesy of google

Saturday, March 10, 2012

Unofficially Yours....

"pwede bang maging tayo na lang"? ---a line from the movie Unofficially Yours starring John Loyd Cruz & Angel Locsin.

Palabas na ito sa dubai from mar 8-21! Aba sympre 1st day pa lang nanood na kami. hehe. daig ng maagap ang masipag.

Kung gusto ninyong maiyak habang tumatawa, this is the movie for you. May drama pero hindi mabigat sa dibdib. feel good movie pa rin. Nakakatawa ang mga barkada scenes. At ang galing ng pagkakagawa ng mga love scenes, tastefully done. nakakatuwang panoorin. :-)

haaayy John Lloyd, akala ko nakalimutan na kita....pero bakit ngayon gusto ko muling sabihin sa'yo na....
"ako na lang, ako na lang ulit"---linya naman ito sa One More Chance starring John Lloyd & Bea Alonzo :-)




our movie tickets :-)


I Will Raise Him Up

Dear Lord,

I know paulit-ulit na lang ako pero sorry po talaga kung minsan nagpapadala ako sa aking 'katamaran' para dalawin ka. Ilang beses na nga ba akong nangako Sa'yo? Madami na.

Ang dami kong dahilan---busy, pagod, inaantok, etc.etc...Tapos eto na naman ako, humihingi ng tawad. nag-eeffort. making up for my shortcomings. nakakaramdam ng hiya. Alam ko kasing nagkasala ako.

Gusto ko na pong magbagong-buhay. Tulungan Nyo po ako. Ayoko pong malayo sa Inyo. Close pa rin naman tayo diba? :-) I always want to be your follower. gawan yuku pung talatuki yu.

love,

tin

I am the bread of life

Those who come to me shall not hunger

Those who believe in me shall not thirst

No one can come to me unless the Father draw them

And I will raise him up, and I will raise him up

And I will raise him up on the last day

Gospel: John 2:13-25

When the time of the Jewish Passover was near Jesus went up to Jerusalem, and in the Temple he found people selling cattle and sheep and doves, and the money changers sitting there. Making a whip out of cord, he drove them all out of the Temple, sheep and cattle as well, scattered the money changers' coins, knocked their tables over and said to the dove sellers, 'Take all this out of here and stop using my Father's house as a market.' Then his disciples remembered the words of scripture: I am eaten up with zeal for your house. The Jews intervened and said, 'What sign can you show us that you should act like this?' Jesus answered, 'Destroy this Temple, and in three days I will raise it up.'The Jews replied, 'It has taken forty-six years to build this Temple: are you going to raise it up again in three days?' But he was speaking of the Temple that was his body, and when Jesus rose from the dead, his disciples remembered that he had said this, and they believed the scripture and what he had said.

During his stay in Jerusalem for the feast of the Passover many believed in his name when they saw the signs that he did, but Jesus knew all people and did not trust himself to them; he never needed evidence about anyone; he could tell what someone had within.



Acknowledgement:

Gospel from www.saintmarysdubai.com

Tuesday, March 6, 2012

Celebration

Yippee! Natapos na din ang 2011 audit namin! Kahapon nga ay ni-treat ng Management ang buong Finance/Accounts Department for the audit conclusion. Actually kahit wala ng treat masaya na ako, kasi ibig sabihin magkakaroon na ako ng time para naman sa aking social life i.e. window shopping/movies/gala/blog/meet-ups etc. hehe. Pero sympre mas masaya pag ganitong may recognition ang pinagpapaguran ng inyong team. :-)


Bamboo Lagoon @ Marriott Hotel, Dubai UAE
05 Mar 2012 Monday


just in case merong gustong magpunta ulit dito reference lang :-)




number ng aming table :-)




di ako mahilig sa sushi kaya yan lang muna.
pero in fairness to bamboo lagoon, nasarapan ako. :-)




weeehhh! puro chocolates! love it.. esp. yung chocolate mousse :-)



stir-fried seafoods/vegetables/noodles ala animus :-)
(meron silang live cooking, ikaw mismo pipili ng gusto mong ipaluto)



at ang pinakabida.....the lobster (sidekick lang si sugpo at fish..hehe)
madalang lang akong makakain nito eh. :-)





Trivia:
1) naubos ko lahat yung nasa pictures. ganyan ako kalakas kumain. :-)
2) today is march 6. exactly one year ago nung mawalan ako ng work.
3) after that one fateful day, ang dami namang naging magandang pangyayari sa buhay ko.
thank you so much Lord.
4) pramis ko, magiging masipag na ako lagi. (aminado ako, recently di na kita regular na pinupuntahan sa bahay nyo..dinadahilan ko na pagod ako sa work etc..sori po)
5) teaser lang....merong magandang balita na parating sa aming kumpanya this coming april....sana makarating. :-)

Sunday, March 4, 2012

Parting Time

Ayokong maging emotional pero nalungkot talaga ako kanina.
Hindi biro ang pinagsamahan namin ng aking internet connection.
Since 2008 kasama ko na ito araw-araw gabi-gabi.


Ilang beses kong pinag-isipan bago ako nag-decide na i-cancel ito.
Nagtiis din naman ako sa mabagal na connection nito.
Wireless pero gumagamit ako ng wire para maka-connect (since Dec 2011).


And today kahit mahirap isinakatuparan ko na ang aking napag-desisyunan.
After office diretso ako sa satellite office ng Etisalat sa Deira City Cente.
Pumila ako ng humigit-kumulang isang oras doon para matapos na ito.


Nakaramdam ako ng lungkot ng iabot sa akin ang final bill at
sinabihan ako na cancelled na ito. :-(
Alam ko mawawala din ang lungkot na ito soon.


Meron pa din naman akong internet connection.
Naki-connect na lang ako kay 'manong'.
Mas mabilis, wireless at mas mura (dahil sharing). :-)








ang aking final bill sa aking internet connection.

(paalala: a big NO NO ang hindi magbayad ng mga bayarin dito sa Dubai

dahil pwedeng-pwede kang ipa-hold sa airport pag meron kang mga unsettled bills)