Wednesday, December 9, 2009

Matutuloy Ba Ang Pasko?

Malapit na ang pasko. Pag nasa ibayong dagat ka at malayo sa pamilya, sigurado feeling 'homesick' ka na naman. Naiisip mo, ang saya saya na sa Pinas sa panahong ito. Samantalang ikaw, eto ka pa rin pilit na kinakapa ang sarili para maramdaman ang diwa at saya ng Pasko kahit papaano.

Huwag malungkot. Don't fret, nde ka nag-iisa. Madami tayo actually. Lahat tayo gusto makasama ang ating pamilya sa Pinas sa araw ng Pasko. Pero ganyan talaga ang buhay, kailangan kung minsan magsakripisyo.

Share ko itong kantang ito. Gumagaan ang pakiramdam ko pag naririnig at kinakanta ko ito. Naniniwala akong sapat na SIYA ang kasama natin para maging masaya tayo.

Tuloy na Tuloy Pa Rin Ang Pasko
by Apo Hiking Society

Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko

2 comments:

  1. Ay magpapasko na pala?!!! lolzz

    Ang hirap ng ganito no, lage na lang kapag nalalapit ang pasko parang ang lungkot lungkot lage dahil gusto mo umuwi ng pinas at makasama ang pamilya :(

    ReplyDelete
  2. Hello Lord CM! bakit ka malungkot dito? dapat naka-smile di ba. :-)nakisali ako sa isang minutong smile last dec 8, nde ko lang ipinaalam sa'yo (ngaun,ipinapaalam ko na).

    sabi mo nga dapat araw araw nating gawin ito. kayang-kaya naman natin ito. napangiti mo na nga ako sa pag-comment mo dito. :-)

    thanks!

    ReplyDelete