Grabeh, nakakakilig talaga si Jayson and Melai of PBB. Lahat kami dito sa haws kinikilig sa mga 'moments' nilang dalawa. Tomorrow, extended pa ang kilig na ito sa ofis namin. Maka-Melason din kami dun (lalu na kaming dalawa ni RS). For sure, matatagalan na naman kami sa canteen for our lunch break dahil sa kwentuhan. :-)
Katatapos lang namin manood ngayon sa TFC kaya nakangiti pa ako habang sinusulat ko ito. Naalala ko pa ang kakulitan ni Jayson kay Melai and vice versa. Pero sobra ang kilig kagabi dahil ipinalabas na ang pag-akyat ng ligaw ni Jayson kay Melai. Ang cute ni Jayson...(sigh) :-)
At first parang duda pa kami kay Jayson sa intensyon niya kay Melai pero ngayon grabeh, naniniwala na kami sa kanya. Ramdam namin ang kanyang sinseridad. Sobrang nakakakilig talaga sila. Dinaig pa ang mga romantic movies. Ang cute nilang dalawa together. Ang sweet ni Jason....haaaayyy.. :-)
Salamat sa youtube para sa video nilang ito:
No comments:
Post a Comment