Nagsimula na kanina Ang Simbang Gabi sa St. Mary's Church. Maswerte ang mga Filipino dito sa Dubai dahil na-oobserve pa rin namin ang ganitong tradisyon kahit papaano. Kaya naman kahit napakalayo ng aming opisina ay pinilit naming makasama sa selebrasyon na ito. Sama-sama kami nina PC, MG, CR- lahat mga busmates/friends ko. May usapan sila na kukumpletuhin daw nila ang 9 days. Ako, ayokong mangako muna pero ita-try ko ding makumpleto ito. ( isang beses ko pa lang nakumpleto ang Simbang Gabi, ito ay noong Christmas 2007 dito din sa Dubai)
Isang Filipino ang Kura Paroko dito sa Dubai. Siya ay si Father Tomasito. Napaka-effective niyang pari. Sa kanyang misa, lahat ay gising at siguradong tatawa. Hindi matatawaran ang kanyang sense of humor. Bagay sa kanya yung salitang 'simple pero rock' :-)
Pero kanina kahit nagpapatawa siya, tumimo sa puso ko ang sinabi niya sa homily:
"Tungkol sa pagpapatotoo or pagiging witness ang sermon. Meron ba daw long distance parenting? Paano daw magiging magulang ang isang tao kapag malayo siya? Naaalala daw niya sina superman, batman at iba pang superheroes. Lahat lumaki na wala sa piling ng magulang kaya daw nde nila alam paano magsuot ng brief. :-("
Parang maiiyak ako kanina. Naalala ko ang nanay ko na nasa Pinas. Naiisip ko kelan pa kaya kami magkakasama ulit. Miss na miss ko na siya. Gusto kong maging mabuting anak sa kanya. Gusto ko ako naman ang magsilbi sa kanya. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
No comments:
Post a Comment