PARA SA AKING NANAY
ginagamit lang yata niya tuwing may okasyon
pangarap daw ng aking nanay ang mga ito..hehe
Ang aking mahal na bunsong kapatid ay kasalukuyang nasa himpapawid na ngayon sakay ng flight CX746 ng Cathay Pacific pauwi sa Pinas. Dalangin ko ang ligtas at masayang paglalakbay nito. Tapos na ang kanyang isang buwang pagbisita sa akin dito sa Dubai. May mas malalim pa na dahilan kung bakit naparito ang aking kapatid ngunit sinadya kung huwag nang isulat ito, ayokong maging emosyonal ang aking kapatid. :-)
Sana madaming natutunan ang aking kapatid dito. Sana nag-enjoy siya. Sana naramdaman niya na mahal na mahal ko siya at nandito lang ako lagi para sa kanya. (naku..naku...pagtatawanan ako ni bunso pag nabasa niya ang kadramahan ko)
Sa Agosto ko pa plano magbakasyon sa Pinas, kaya naman pinauna ko na sa kapatid ko
ang mga bagay na nasa larawan sa itaas na tiyak na ikatutuwa ng aking nanay....
No comments:
Post a Comment