Ang saya-saya namin sa bus kanina- ako, sina EG, ate PC, RE, CR, VT, MG, JF, ate EA, ate EV at ate LR (pati mga kasama naming ibang lahi- mga Indian & isangPuerto Rican nadadala din sa kasiyahan namin) . Tuksuhan dito, tuksuhan doon. Sympre ako na naman ang numero unong paboritong tuksuhin nina EG, CR, VT & RE. Sabi nga nang kaibigan naming si Ate EA, buti daw nde ako napipikon sa kanila, ang sagot ko alam ko naman kasi ang biro at nasanay na ako. Tsaka isa din akong numero unong mapang-asar kaya i know how to handle it- bawal ang pikon. :-) Anyway, ang topic kanina is tungkol sa nalalapit na Valentine's Day. Kung kani-kanino na naman ako pina-partner. Grabeh, to the highest level na sila ngaun. Sa loob mismo ng service ang mga tinutukso sa akin. Sabi ko, bigyan naman nila ako ng kahihiyan.
I guess this is the price i have to pay for being single. Ako lagi ang nakikita. Si ate PC (matalik kong kaibigan) double na kasi ngaun kaya sa akin ang bagsak ng atensyon nila pag usapang lovelife na. Sabi ko sa kanila excited na nga akong dumating yung panahon na iyon...sigurado mananahimik na din sila..hehe..:-)
Searchee No. 1- kasama namin sa circle of friends sa service, kaasaran ko din ng sobra. ewan ko ba kina EG, VT & MG- mga kaopisina niya, bigla na lang kaming ginawang loveteam sa bus. sobrang kilig pa ang mga iyan nung minsang i-set up kami para magkatabi sa upuan. :-) kanina, pagkababa ni searchee no. 1, tinanong ba naman ako nina RE & EG kung ano pa ba ang hahanapin ko sa kanya..hahaha...natawa talaga ako sa kanila..sabi ko ang mga magkakaibigan, magkaibigan...tigilan na ako. :-)
Searchee No. 2- kasama din namin sa service, ibang lahi. nde nagkasya ang mga kasama ko kay searchee no. 1, nandamay pa sila. yeah right, mas madami mas masaya. si EG ulit ang pasimuno. Binigyan nila ako ng pagkain minsan, sympre kinain ko..alam kasi nilang lagi akong gutom pag uwian. I said thank you. Kay searchee no. 2 daw ako magpasalamat kasi galing ito sa kanya. So nag thank you naman ako. Biglang tinukso na kami. Bagay na kami. Haaayyy ang hirap maging single... :-)
Lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko sa service na time will come, time will tell...darating din siya. Malapit na. Hayaan na ako. Tama na. Tigilan na ako. Umayos sila. Pero grabeh, nde sila mapakiusapan ng maayos..haha...Tila ba naging kaligayahan na nila ang tuksuhin ako. :-)
No comments:
Post a Comment