Monday, February 8, 2010

Kwentong Pag-ibig...

Malapit nang dumating ang Araw ng mga Puso. Excited na ang lahat lalo na sympre yung mga may special someone sa kanilang buhay. Hindi pahuhuli si Teresa dito, aakalain mong inlab na inlab siya dahil sa sobrang excitement na nararamdaman.

Ang katotohanan ay matagal na siyang walang espesyal na pag-ibig sa kanyang buhay. Hindi naman niya isinara ang kanyang puso ngunit sadyang kay ilap ng tunay na pag-ibig sa kanya. Simple lang naman ang nais niya, ito ay ang makatagpo niya ang taong mamahalin niya at magmamahal din sa kanya. Natatakot siyang ang matagpuan ay either mahal na mahal niya o kaya naman mahal na mahal siya. Ayaw na niyang masaktan sana dahil sa pag-ibig. Nakawala na din siya sa kanyang maling paniniwala na 'ang nagmamahal ay laging talo'.

Puno siya nang pag-asa na kung para ito sa kanya, ito ay ibibigay sa kanya. Malalaman niyang dumating na ang para sa kanya, pag wala nang humahadlang. Kusang darating na lang ito. Marerealize na lang niya nandyan na pala siya. Buong paligid ay biglang magiging kulay rosas na lang.

Masaya si Teresa sa nalalapit na Valentine. Hindi dahil meron siyang ka-valentine kung hindi dahil nakikita na niya ang kanyang sarili na handa nang magmahal muli. Nararamdaman niya malapit na ito.


Paalala: ang istoryang iyong nabasa ay isang kathang-isip lamang ng may-akda.

4 comments:

  1. Kathang isip, at base sa nararamdaman ng may akda :D

    Boring ang pag ibig kung wala ang sakit, wag lang palage, okey na yung paminsan-minsan...ito rin kasi ang magpapatibay ng inyong relasyon :)

    ReplyDelete
  2. hahaha..natawa naman ako sa dinugtong mo na base sa nararamdaman ng may-akda. :-)

    pag nasaktan ka, magiging matibay ka...pero nde ang inyong relasyon...posible naman ang happily ever after, kahit wala ang sakit. wag i-torture ang sarili. :-)

    ReplyDelete
  3. pag nasaktan ka magiging matibay ka...PATI na rin ang relasyon kung pag uusapan nyo ang problema at sosolusyunan dahil sa pagmamahal...pero kung hahayaan lamang ito, malamang IKAW nga lang ang tumibay

    ReplyDelete
  4. tinamaan naman ako sa sinabi mo. :-)

    pag nasasaktan ka dahil sa nagmamahal ka, it means there is something wrong na kelangang ayusin...ipaglaban mo ang pagmamahal mo hanggat kaya mo...pero pag nde mo na kaya ang sakit, pwedi ka namang bumitaw...malalaman mo balang-araw posible naman palang magmahal at mahalin ka na hindi na kailangang masaktan pa. :-)

    ReplyDelete