I was listening to Virgin Radio when I heard them announced that Al Farooj won the best shawarma in the UAE (based on the station's text/on line polls). Sobrang natuwa talaga ako nang marinig ito. Feeling winner din ako. :-)
Dito ko na lang naging paborito ang shawarma. Isang beses lang siguro ako nakakakin ng shawarma sa Pinas dati-medyo hindi pa ako nasiyahan. Pero ang shawarma dito ay ang aking food for comfort. As in enjoy na enjoy akong kumain nito. Parang feeling ko laging special day.
Sympre pa alam ng aking mga kaibigan/ofismeyts ang pagkagusto ko sa al farooj, sobrang promote ako pag meron nagpapasaya sa akin. Gusto kong i-share kasi ang nararamdaman kong saya (in other words, makwento talaga ako).
Kaya naman nang manalo ang Al Farooj, ako ang una nilang naalala. Si SB, sobrang na-curious talagang sinadya pa niyang magpunta dito para matikman ito. Since ako ang pinakamalapit dito, nilalakad ko lang, nagdala ako sa ofis para matikman ng aking mga kaibigan/ofismeyts/lunchmeyts (ate CM, RS, SB, JM) ang aking ipinagmamalaking shawarma ng Al Farooj. Sabi nga nila, baka naman daw may commission ako sobrang promote ko daw kasi. Ganito kasi ang statement ko, "nasa Sharjah pa lang ako kilala ko na si Al Farooj, malapit siya sa St. Michael's Church, so tuwing pagkagaling sa church sigurado dun ang aming stopover. Kaya naman laking tuwa ko nang lumipat kami ng tirahan sa Dubai at malaman kong may Al Farooj na malapit sa amin."
Ang kanilang nasabi after ng taste test: masarap daw talaga. they love it na din. hehe...:-)
No comments:
Post a Comment