Monday, March 15, 2010

No Ordinary 'Friday' - March 12, 2010

Hangga't maari nasa bahay lang ako tuwing Friday. Full packed kasi lagi ang aking schedule sa araw na ito. Eto ang mga regular na aktibidades ko: attend ng 7am mass (either Fri or Sat), mag-grocery (dahil ako ang cook pag Friday), magluto from 10am to 1pm (as in ganito ako katagal, winner ako sa kusina sa tagal), 1pm to 4pm chat time namin ng aking nanay (request ng aking nanay na pagkatapos ng tv patrol, tigil na daw kami kasi agua bendita na. haha..), tulog, basa ng mga blog, nood ng movie, basa ng libro (current reading), kain in between then tapos na ang araw. Buti na lang at two days ang off namin. Pag Saturday ko na nagagawa kung anumang maisipan kong gawin. Ito ang aking FREE day. Pero madalas sa bahay ko din nagagamit ito. Minsan naman pagala-gala lang ako sa tabi-tabi. :-)

Pero last Friday naging iba ang aking buhay Friday. Hindi ako nagluto sa haws kasi birtdey ni RD (kaibigan namin). Umaga pa lang pumunta na kami ni JC sa bahay nila para maki-celebrate at makikain..hehe...sinabihan na ako ni ID (asawa ni RD) na may take out kami para sa mga housemates namin kaya ligtas na ako sa pagluluto...yipee!!! Before ko makalimutan, "Maligayang Kaarawan Sa'yo RD. Sana magpatuloy ang mga blessings at happiness na dumarating sa buhay ninyo. God bless you always."

Pagkatapos makipag-birthday kay RD, nakipagkita naman ako sa aking mga hayskul klasymeyts para sa nalalapit naming reunion.

Wala nang uwian na nangyari. Tumuloy ako pagkatapos sa Sheikh Zayed para naman sa birthday party ng anak ni SB, isang kaopisina/kaibigan/lunchmate.


as much as possible nde ko pinapalampas pag invited ako sa kiddie party.
bukod sa gusto ko talaga ang mga bata at kaibigan ko ang mga matanda
naiisip ko para pag anak ko naman nag-party, punta din sila (hehe.feeling)

@ McDonald's Holiday near Crowne Plaza


mukhang aliw na aliw si Hamburglar :-)


the birthday girl
Happy 2nd Birthday, ABBY!


Abby while enjoying her party :-)
parang nakikita ko si SB sa kanyang anak, carbon copy talaga
(thanks SB sa pagpayag mo na i-post ang pic ng iyong little angel)


GRAND FINALE, PANG-BLOG

in-email kanina ni SB ang mga pics namin.
pinakahuli niyang sinend ito na may titulo kagaya ng nasa itaas.
SB, ur right pang-blog nga. :-)

2 comments:

  1. Hehehe :D Agawin ko yang berger mo eh!

    Buti ka pa busy kahit off :D ako tulog maghapon magdamag lolzz

    ReplyDelete
  2. hahaha...paborito ko ang burger at fries ng mcdo dito..nag-iilaw pa talaga mata ko pag nakakakita ako nito..cge, share ko sa'yo yang tira ko.:-)

    busy lagi ako sa bahay, kasama na dito ang pagtulog...hehe.. dati madalas nde man lang ako lumalabas ng gate namin buong weekend. ngaun, best effort ako para mag-gala gala kahit ako lng. (sinasanay ko na sarili ko mag-isa lalu pa malapit na ikasal fren ko, lilipat na cia ng tirahan pagkatapos).

    ReplyDelete