Wednesday, September 1, 2010

Uberly Excited :-)

Pinipilit kong pigilan ang sobrang excitement na nararamdaman ko sa mga panahong ito. Hindi na ako makatulog ng maayos..hehe...Napansin ko din na halos araw-araw nananaginip ako, at ang setting nito ay laging sa Pinas.

Napapakanta na ako ngayon ng "all my bags are packed, i'm ready to go....!". Yipppeeee! malapit na malapit na akong makauwi. Sa hinaba-haba din ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy?..hehe...

Mawawala muna ako ng isang buwan dito sa aking blog. But I'll definitely be back on Oct 01, 2010. First anniversary ko kaya yun. Sigurado, madami akong baon/pasalubong mula sa aking bakasyon. Hindi ko na natupad ang mga pangakong presentasyon ko para sa aking anibersaryo pero dahil sa mga valid excuses naman.

Hanggang dito muna ang aking kwento pansamantala. Sa totoo lang kasi, puro 'bakasyon' na ang laman ng aking isipan ngayon. :-)

No comments:

Post a Comment