Wednesday, August 4, 2010

Kwentong 'Kutsero' :-)

11:45pm na dito. Kadarating ko lang dito sa bahay namin. Pumasyal ako sa isang kaibigang malapit nang umuwi for good sa Pinas (LT). Nakipag-chikahan at nangumusta kung kelan ang flight niya. Sinoli ko din yung kanyang damit na pinasuot sa akin minsang naggala kami sa Abu Dhabi ng grupo. Ibinalik naman niya ang all-time favorite ko na book ni Paulo Coehlo na 'The Alchemist'. Tiyak, babasahin ko na naman ulit ito. Binigay din niya yung gift sa akin ng isa pang kaibigan (si ate JR) last Christmas...hehe...Ngayon lang ito naibigay pero ok pa rin. It's the thought that counts.:-) Thanks, ate JR!

Mabilisang kwento lang ito dahil malalim na ang gabi? hehe...Naalala ko ang isang forwarded message ng isang kaopisina kanina sa ofis na nabasa daw niya sa FB. Ang sabi daw "Okay lang sa akin kung may madilim kang nakaraan, meron ka namang malabong kinabukasan sa akin." Hahaha....wala lang. :-)

Speaking of malabo, ang labo ng aking mga kwento today! hehe...Pero meron akong pinaghahandaang something BIG at MALINAW for my blog. 1st Anniversary presentation ko sana ang mga ito. Pasensiya na kelangan ko lang isulat ang mga ito dito, short memory na kasi ako ngayon. Baka may makalimutan ako.
1) change of blog lay-out (may kinausap na akong kaibigan para tulungan ako dito)
2) 1st anniv post (saktong pagbalik ko from vacation)
3) isang makabagbag damdaming tula sa wikang Ingles (been working on it since may, hindi pa buo pero target posting date ko is by end of this month, last post ko naman ito before my blog anniv)

Time checked. 12:02 am. Yan na ang pinakamabilis kong kwento. I'm now signing off. Gudnyt! :-)


christmas presents ni ate JR last Dec 09
na ngaun lang naibigay sa akin (thru LT) :-)


one great book that i highly recommend to read!!!
"when you really want something,
all the universe conspires in helping you to achieve it."
-a quotable line from the book
Note: Photos uploaded on 13 Aug 2010

No comments:

Post a Comment