Pahapyaw ko lang binanggit dito na may mga tinanggal sa aming kumpanyang pinagtatrabauhan kelan lang (4 nos). Isa doon ay matalik kong kaibigan. Though hindi kami magkasama sa ofis, super affected ako kasi siya ang pinaka-close ko sa lahat. :-( Siya ang ate ko doon (kahit na more often than not, ako ang parang ate niya)
Wala naman akong personal na galit sa kanyang manager na nagpatalsik sa kanya. Iniisip na lang namin na sadyang meron yatang taong masama ang ugali. Briton ang manager ng aking kaibigan at nakikilala siya ngayon bilang terminator ng mga Kabayan. Iniisa-isa niya ang Filipino sa kanyang departamento. Ang siste, mas gusto niya ang mga Indiano kaysa sa Filipino.
Nakalagay sa termination paper ng aking kaibigan na 'poor' daw ang performance niya! Wherein alam ng lahat ng kanyang kasamahan na siya ang gumagawa ng lahat. Hindi daw niya natapos ang mga Recon etc, etc. etc. Hindi ako makapaniwala sa grounds nila.
Wala kaming magagawa kundi tanggapin ito. Bilin na bilin ko din sa aking kaibigan na wag ituloy ang balak niyang mag-reklamo sa Labor. Tutal naman ibibigay naman ng kumpanya ang nararapat na benepisyo niya plus hindi ikakansel ang kanyang visa hanggat wala siyang nahahanap na bagong work. Okay na iyon. Blessing in disguise dahil sa wakas nakawala din siya sa amo niyang ewan.
Nagpapasalamat ako at hindi ko amo ang manager ng aking kaibigan. Malamang hindi ako makakatagal sa ugali niya o kaya naman siya ang hindi makakatagal sa akin. In fairness sa aming kumpanya, ito ang pinakamatagal kong naging kumpanya dito sa Dubai. 2 years na ako at still counting. Wala naman kasi akong problema sa mga kasamahan ko.
Hindi ako under or directly reporting sa manager ng aking kaibigan. Kaya nabigla ako nang meron akong natanggap two weeks ago na email mula sa kanya addressed to our Group Finance Manager complaining about me dahil sa hindi ko daw pagsunod sa intercompany accounts policy. Grabeh, natakot ako dahil feeling ko ako naman ang pinupuntirya niya. Nagtaka din ako kung bakit pinag-aaksayahan niya ako ng panahon.
Bago pa lumaki ang issue, ipinaliwanag ko sa kanila thru email kung bakit ganun ang naging treatment ko sa account in question. In copy din lahat ng mga taong involved (ang aming GM, ang GM ng kumpanyang handle ni complaining manager, ang 2 group finance managers) para maliwanag sa lahat.
Hindi ako sanay na nirereklamo. Hindi din ako mahilig mag-reklamo sa trabaho. First time ko ito. Natuwa naman ako sa reply sa akin ng 2 group finance managers--ang isa nagpa-thank you sa akin at ang isa naman ni-forward niya sa lahat ng accountants na under niya ang sagot ko for their info. Natuwa ako kasi, feeling ko naniniwala sila sa akin at kakampi ko sila. :-)
Si complaining manager, no reaction siya sa reply ko. Kinuwento ko ito sa mga kasamahan ko sa bus na mga under niya. Niloloko nila ako---nag-iisip daw yun ng isasagot sa akin at reresbak daw yun sigurado. hehe...wag naman po sana. :-)
Hehehe :D Ingat-ingat na lang sa paggawa ng mali at baka masilip ka nyan.buti naman dito walang ganyang manager, problema lang dito lahat boss mo :D
ReplyDeleteako si super ingat pagdating sa work. pero sympre nde maiiwasan ang magkamali. basta ang aking pananaw dito- kung alam mong nagkamali ka, say sorry at make sure na hindi na mauulit ito; kung alam mong tama ka, ipaliwanag mo ang iyong side at wag na wag magtuturo kung sino ang may kasalanan. let them figure out. :-)
ReplyDeletehehehe...mahirap nga ang maraming boss. 1st company ko dalawa ang boss ko. nung nde ko na alam kung sino ang susundin ko sa kanila, kinausap ko ang may mas mataas na position sa kanila kung kanino ako directly reporting. Ang sagot ba naman sa akin, sympre sa kanya daw pero wag na wag kong sasabihin sa isa. ngeh....:-)
(may istorya ako tungkol sa mga amo ko sa 1st company pero next tym na lng. ang haba na ng reply ko sa comment mo.hehe)