Sunday, August 22, 2010

2 Weeks Before My Vacation

Sobrang busy sa office. Double time ako sa work dahil malapit na ang bakasyon ko. Minus 2 hours pa naman ang office timing namin tuwing Ramadan. Pinipilit kong habulin at tapusin ang mga deadlines para sa September. Wala kasi talagang full time na magco-cover sa akin habang wala ako. Naiparating ko na ito sa amo ko. Ayoko nang problemahin pa ito. Anyway, approved na ang leave ko! Wala nang makakapigil sa akin. hehe..Uwing-uwi na ako. :-)

Inspired na inspired ako sa work ngayon. Kahit tambakan pa ako ng trabaho, ok lang. Humaba din ang pasensiya ko sa mga taong makukulit. Hindi na din akong madaling mairita. hehe. Haaayyy, eveything's beautiful and perfect. Feeling in love. :-)

Sa September 5, makakaapak na muli ako sa aking Bayang Sinilangan! Excited na ako talaga! Miss na miss ko na ang aking pamilya, kamag-anak, kaibigan at lahat lahat na sa Pinas!!!!!!Two weeks na lang, di na ako makatulog. Haha. Sa sobrang excitement!

Tiyak matutuwa ang aking ina sa akin. Mabibigla siya na mature na ang kanyang kaisa-isang anak na babae. Dahil ang balak ko sa bakasyon kong ito ay pagsilbihan ang aking ina. Makikialam na ako sa gawaing-bahay. Magluluto ako, maghuhugas ng plato at kung anu-ano pa. Panahon na para ako naman ang magsilbi sa aking nanay.

Hindi ko na gagawin ang ginawa ko last year na buhay prinsesa talaga. Tulog. Kain. Pasyal. Sabi nga ng pinsan ko, ako daw si prinsesa papaya. haha. Utos kasi ako ng utos. hehe. Palusot ko, puro trabaho naman kasi ako sa Dubai. hehe..

Mahal na mahal ko ang aking ina. Ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya at sa pamilya namin. Gagawin ko ang lahat mapasaya lamang ang aking ina.

No comments:

Post a Comment